NGAYON ay Linggo ng Mabuting Pastol, ika-apat na linggo ng Muling Pagkabuhay at Pandaigdigang Araw ng Panalangin sa Bokasyon. Ang bokasyon ay ang pagtawag ng Panginoon sa mga nais maglilingkod sa Kanyang Simbahan.
Sa liwanag ng Banal na Espiritu ay nagsalita si Pedro sa mga pinuno at mga mamamayan ng Israel (ngayon sa mga pinuno ng pamahalaan, simbahan at lipunan) sa kanilang pag-aalinlangan na hindi matanggap ang kanyang pagpapagaling sa lumpo (Gawa 3:6). Sinabi niya: “kung sinisiyasat ninyo kami tungkol sa kabutihang ginawa namin sa lumpong ito at kung paano siya gumaling dahil…. sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesus na taga Nazaret ….inyong ipinako ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Jesus na ito: Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay ang naging batong panulukan.
Dito natin masasabi kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama at tinawag tayong mga anak ng Diyos. Ipinadala pa ng Ama sa atin ang Kanyang nag-iisang Anak, ang ating mabuting pastol na inialay ang kanyang buhay para sa mga tupa. sa mundong ibabaw inihasik ng ama ang mga pastulan na ang bawat pastol ay mga pinuno ng simbahan na dapat ding mag-alay ng sariling buhay bilang pagsunod kay Jesus. Napakasakit malaman sa ngayon na merong mga tinatawag na Pastol ng isang simbahan na nagta- takwil sa mga tupa na hindi niya kapanalig at hindi nakapagsusulit ng pera sa kanyang lukbutan. “Maghanap ka na lamang ng iyong simbahan mapagmimisahan”. O kaya naman isang Pastol na pinagsilungan ng isang tupa na nagkaroon ng karamdaman na sa halip tularan si Jesus, ang Mabuting Pastol ay sumulat pa sa isang tupa: “it was noted that your health condition would require more care and attention, which the financial status of … cannot afford … provide … to return …”para bang sinabi niya “umalis ka na, may sakit ka na at hindi ka na kailangan” sa halip na sabihin na tutulungan ka namin. Mabuti na lamang at merong isang mabait na kapwa tupa na tumulong sa kanya.
Nang malaman ng Mabuting Pastol na nawawala ang isa sa kanyang mga tupa ay iniwan ang karamihan at hinanap pa ang nawawalang tupa. Kaya naman sa napakaraming pastulan (simbahan) sa ngayon ay atin pang hahanapin kung sino talaga ang sumunod kay Jesus bilang isang tunay at mabuting pastol. Kaya naman marami ang nagpalakas at sumipsip sa isang pastol upang siya ay piliin at ipahayag na maging Pastol ng Simbahan. Pastol na: KMK K-apangyarihan, M-ateryal at K-arangyaan.
Ipanalangin natin ang mga Pastol ng sangka- kristiyanuhan
Gawa 4:8-12; Salmo 118; 1Jn 3:1-2 at Jn 10:11