^

PSN Opinyon

Kuwento ni ex-Pugo, La Union Mayor Balloguing

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MAGIGING parehas kaya ang kapalaran nina dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos at dating Pugo, La Union Mayor Orlando Balloguing? Kaya ko natanong ‘yan mga suki dahil parehas ang kaso nina Jalosjos at Balloguing. Si Jalosjos ay nang-rape ng 16-anyos saman­talang si Balloguing ay 15-anyos naman. Ang pinagka­ibahan lang mga suki, si Jalosjos ay nagdusa na ng ilang taon sa kulungan at kamakailan lang nakalabas, saman­talang si Balloguing ay pagala-gala pa sa kanyang bayan dahil hindi umuusad ang kaso niya. Kaya tinatawagan ko ang women’s group tulad ng Gabriela para bigyang hustisya ang 15-anyos na biktima na nagtatago sa ngayon dahil sa banta sa buhay niya. Hehehe! Ano ba ‘yan? Ang biktima pa ang nagtatago habang ang suspect naman ay pagala-gala lang sa kalye.

Tatawagin ko ang biktima sa pangalang Joy. Sa kanyang sinumpaang salaysay sa NBI sa Baguio City noong Sept. 23, 2008, sinabi ni Joy na nagtatrabaho siya sa Hot Babes KTV sa Pugo at noong nakaraang Mayo dumating ang grupo ni Balloguing. Kinuha ni Balloguing ang serbisyo niya at isa pang kasama na si Liza. Matapos ang kasayahan at inuman lalo na ang sayawan kung saan pinag-suot sila ng mini-skirt o shorts, dinala na sila ng tropa ni Balloguing sa farm niya, na halos 30 minuto lang ang layo, sakay ng isang pulang Mitsubishi pick-up.

Nang nandoon na sila sa farm, pinainom sila ni Liza ng GSM blue sa veranda, ani Joy. Siyempre nalasing si Joy at humina ang pakiramdam nya at nahihilo pa siya. Na­ramdaman na lang ni Joy na may humawak sa kamay niya at hinatak siya papunta sa isang kuwarto. May tumanggal umano ng damit niya at inihiga siya sa kama. Ayon pa kay Joy, inutusan umano siya ng lalaking ka-boses ni Balloguing na laruin ang ari niya hanggang na maram­daman niyang me humahalik sa labi at suso niya. At ang lalaki nga ay pumatong sa kanya at hinalay siya. Si Joy ay ipinanganak noong Okt. 3, 1993 kaya maliwanag na 15-anyos siya ng mayurak ang pagkababae niya. Ano ba ‘yan?

Kinabukasan, ginising ni Balloguing si Joy. Pinulot ng biktima ang mga damit niya na nagkalat sa sahig at nagbihis. Bago umalis, nakita ni Joy na may P2,000 sa loob ng bag niya. Kasama si Liza, inihatid sila ni Balloguing sa Hot Babes KTV kung saan halos maiyak siya sa sinapit niya.

Naulit pa ang karanasan ni Joy sa kamay ni Balloguing ng makalipas ang isang buwan. Subalit hindi na sa farm ng suspect kundi sa Aquarium Hotel sa Agoo, La Union at sa isang suite pa ha? Tulad ng unang sistema, nilasing din siya ni Balloguing, ani Joy sa statement niya sa NBI. Matapos ang ilang minuto, inutusan siya ni Balloguing na dalhan siya ng alak sa kuwarto niya at sinunod naman niya. At ‘yon nga ang pagkakamali ni Joy dahil naulit ang pagka­disgrasya sa kanya ni Balloguing. At sa pagkataon na ‘yon, P1,000 ang nakita niya sa bag niya.

Hindi lang sa NBI nakarating ang kaso ni Joy. Pati DSWD ay pumasok na. Subalit si Joy sa ngayon ay nagtatago dahil sa pananakot ng asawa ni Balloguing na mayor sa ngayon ng Pugo, La Union. Gabriela saan kayo? Kung malaking papel ang ginampanan ng Gabriela sa kaso ni Jalosjos at Lance Corporal Daniel Smith, bakit sa kaso ni Joy hindi nila pinapansin? Dahil mahirap lang siya?

Abangan!

vuukle comment

ANO

BALLOGUING

GABRIELA

HOT BABES

JALOSJOS

JOY

LA UNION

NIYA

PUGO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with