^

PSN Opinyon

Hirit ni Meyor sa horse fighting: Tradisyon lang daw.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MAY nauulinigan ang BITAG na isang mayor umano sa isang probinsiya sa Mindanao ang nagbigay ng pahayag na may kinalaman sa horse fighting. Matapos maipalabas ng BITAG ang garapalang laba­nan ng kabayo sa Bukidnon, Cotabato at Davao, sumunod naman ang mga higanteng estasyon sa kanya-kanyang bersiyon ng horse fighting.

Ayon sa impormasyon, nang tanungin daw ng isang programang balita sa isang higanteng istasyon ng TV ang isang mayor hinggil sa pagpayag nito sa ipinagbaba-     wal na horse fighting, sinusunod lamang daw nila ang kanilang tradisyon.

Kalian pa naging tradisyon ang magpaaway sa kabayo na isang uri ng kalupitan at habang nagbabakbakan ang mga hayop na ito, nagkakagulo naman sa pagpupusta ang mga miron at manonood?

Mayor, baka hindi mo nalalaman, ayon sa Republic Act 8485, ipinagbabawal ang horse fighting. Oo nga, tradisyon at usaping espiritwal ito ng ilan nating kaba­bayan diyan sa Mindanao at may exemption kung ito     ang pagbabasehan.

Subalit walang nakalagay sa batas na maaaring mag­palaban ng kabayo ng siyam na laban sa isang araw at ginaganap ng tatlo hanggang isang linggo ang derby.

Si Sen. Francis Chiz Escudero mismo ang nagsabi, ang chairman ng Animal Welfare Committee na hindi kasa­ma sa usapang kultura, tradisyon at ispiritual ang pagsusugal.

Kaya nga tuloy-tuloy pa rin ang ganitong ilegal na gawain at pagmamalupit   sa hayop dahil sa mga pulitikong katulad mo na baluktot mag-isip at mag­dahilan.

Ayon na nga rin sa Network for Animals, ilang malalaking pulitiko at per­sonalidad at nag-oorganize ng laban ng kabayo at nangyayari ito dahil sa pag-iisyu ng permit na nag­mu­mula mismo sa mga opi-sina ng mayor ng bawat bayan.

Kung meron ka pang hirit sa usaping ito, kami naman ang nag-umpisang magbulgar ng iligal na gawain na ito. Inaan­ya­ya­ han ka ng BITAG sa aming programa, kung may mga diskusyon ka pang nais ihirit.

ANIMAL WELFARE COMMITTEE

AYON

BUKIDNON

FRANCIS CHIZ ESCUDERO

ISANG

MINDANAO

REPUBLIC ACT

SHY

SI SEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with