^

PSN Opinyon

Emotionally battered Si Ted Failon

- Al G. Pedroche -

KASAMA ako sa grupong Media Pillar na nakiramay kama­kalawa ng gabi sa brodkaster na si Ted Failon sa Arlington Chapel. Batid na ng lahat ang ma-trahedyang pagkamatay ng kanyang asawang si Trinidad. Matinding awa ang nadama ko para sa kay Ted. Mantakin mo naman ang situwasyon na namatayan ka na nga ng mahal sa buhay, tapos ikaw pa ang prime suspect?

Sa pakikiharap sa mga nakikiramay na dumagsa at patuloy na dumadagsa sa punerarya, pilit ang ngiti ni Ted. Hindi maitago ang hapis sa kanyang mukha. Naroroon din ang kanyang anak kay Trina na si Kaye na patuloy na nagtatanggol sa kanya at naniniwalang nag-suicide ang kanyang ina at hindi pinatay ng iba.

Malungkot na sinabi ni Ted na kinabukasan (kahapon iyon) ay nakatakda siyang humarap sa preliminary investigation sa kaso na ngayo’y nasa kamay na ng NBI dahil sa kontro­ bersyang sinuong ng mga elemento ng QCPD sa pag­hawak sa kaso. Nakababagbag ng damdaming makita si Ted.

Kami nina Kata Inocencio, Sito Beltran, Alex Tinsay, Andrea Echavez na pawang kasapi ng Media Pillar (isang grupo ng mga Christian journalists) ay isa-isang nanalangin para kay Ted at kanyang anak para maibsan ang sakit na dinadala nila sa dibdib at makaraos ng matiwasay sa masaklap na situwasyong kinalalagyan nila.

Dalangin lang ang maibibigay ko at hindi word of wisdom para makapagpapalakas sa mag-ama. How I wish I could share a wise word to heal Ted’s brokenness. But to share a word of wisdom would entail for me to experience a tragedy of the same or greater magnitude. Hindi mo puwedeng ibigay ang bagay na wala sa iyo. Pero kung maranasan ko man iyon (God forbid!), ituturing ko pa ring pagpapala dahil kasa­ma ito sa mga pagsubok ng buhay na nagpapatatag sa isang tao at lalung naglalapit sa kanya sa Diyos. “All things work together for good to them who love the Lord and are called according to His purpose” anang Romans 8:28. Hangad ko na lumu­tang ang buong katoto­hanan sa kasong ito sa ika­titiwasay ng buhay ng pa­milya ni Ted at ng kanyang yumaong asawa.

Sabi nga sa I Peter: 7-8: These have come so that your faith—of greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may be proved genuine and may result in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed. Though you have not seen him, you love him; and even though you do not see him now, you believe in him and    are filled with an inexpressible and glorious joy, for you are receiving the goal of your faith, the salvation of your souls.

ALEX TINSAY

ANDREA ECHAVEZ

ARLINGTON CHAPEL

HOW I

I PETER

JESUS CHRIST

KATA INOCENCIO

MEDIA PILLAR

SHY

TED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with