Ano ang gusto ng katawan mo?

ALAM n’yo ba na may tamang pangangalaga sa bawat parte ng ating katawan? Heto ang mga payo na maka­bubuti at makasasama sa inyo. Umpisahan na natin ang pag-aalaga.

1. Utak (brain)

Mabuti: Mag-aral at magbasa lagi. Sumagot ng crossword, sudoku at iba pa.

Masama: Pag-inom ng alak. Pagkalungkot. Paglalaro ng boksing.

2. Mata (eyes)

Mabuti: Ipikit at ipahinga ang mata pagkatapos mag­basa o mag-computer. Gumamit ng salamin.

Masama: Masilaw sa sobrang liwanag ng ilaw. Tumitig sa araw. Mapuwing ng maruming bagay. Magbasa ng matagal.

3. Tainga (ears)

Mabuti: Mahihinang tunog lang.

Masama: Maingay na lugar tulad ng airport, concert at kantahan. Malakas na tunog ng earphones. Pagka­sundot ng tainga.

4. Ngipin (teeth)

Mabuti: Magsipilyo araw-araw. Gumamit ng dental floss. Gumamit ng tongue cleaner.

Masama: Hindi pagsisipilyo. Matitigas na pagkain. Pani­nigarilyo. Pag-inom ng may kulay na soft drinks dahil maninilaw ang ngipin.

5. Puso (heart)

Mabuti: Pagkain ng isda at gulay. Pag-eehersisyo. Masiyahin na pananaw sa buhay.

Masama: Matataba at ma­aalat na pagkain. Laging naga­galit. Altapresyon, diabetes at mataas na cholesterol.

6. Baga (lungs)

Mabuti: Preskong hangin. Pagtira sa probinsya. Paghinga ng malalim.

Masama: Paninigarilyo. Pag­langhap ng usok ng mga sa­sakyan at polusyon.

7. Bato (kidney)

Mabuti: Pag-inom ng 8 hanggang 12 basong tubig.

Masama: Pagpipigil ng ihi. Pagkain ng maaalat.

8. Atay (liver)

Mabuti: Magpabakuna sa Hepatitis B. Pagkaing masus­tansya.

Masama: Pagkain ng mata­taba at marurumi. Pag-inom ng alak. Pag-inom ng maraming gamot.

9. Bituka, tiyan (bowels)

Mabuti: High-fiber na pag­kain tulad ng gulay, wheat bread, mansanas, pakwan at saging. Pag-inom nang ma­raming tubig.

Masama: Pagkain ng taba ng karneng baboy at baka. Nagpapakagutom.

10. Balat (skin)

Mabuti: Pag-inom nang maraming tubig. Maligo araw-araw. Pagkain ng prutas.

Masama: Pagpapaaraw. Paninigarilyo. Laging nakasi­mangot. Pagpupuyat.

11. Alagaan ang buong katawan. Kumain ng masus­tansya at mag-ehersisyo. Ala­min at panatilihin ang inyong tamang timbang.

Good luck po!


Show comments