^

PSN Opinyon

No deal

- Al G. Pedroche -

ANG Abu Sayyaf ay grupong terorista na walang adhi­kaing ipinaglalaban. Walang ideology at ang tanging ginagawa ay mangidnap at mangulimbat na gawain ng mga tulisan. Hindi sila katulad ng MNLF, MILF o NPA na may prinsipyong ipinaglalaban.

Wala raw plano sina Defense Secretary Gilbert Teo­doro Jr. at Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno na makipagnegosasyon sa mga ban­didong grupo. Tama iyan kung ako ang tatanungin. Ang ano mang negosasyong papasukin ng gobyerno sa grupong ito ay magbibigay lang ng status of bel­ligerency sa grupo. Ibig sabihin, kinikilala ng pamahalaan ang ano mang causa na ipinaglalaban nila.

 Hangga ngayon hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang dalawa pang nalalabing miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na bihag sa lalawigan ng Sulu. Nauna nang pinalaya ang isa sa kanila, ang Pilipinang si Mary Jean Lacaba. Sinasabing walang ransom na binayaran pero mahirap paniwalaan iyan. Mala­lagay sa kahihiyan ang pamahalaan kapag inaming may ransom dahil patakaran ng alin mang gobyerno na huwag makipagnegosasyon sa ganyang klase ng mga grupo.

Ngunit kung nagbayad man ng ransom ang sino man, hindi mo sila masisisi. Ako man marahil ang kaanak ng isang kinidnap ay handang magbayad ng halaga basta lumaya lang ang mahal ko sa buhay.

Nauna rito, ipinaabot na umano ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Albader Parad kay Sulu Governor Abdusakur Tan na nais nilang makipagnegosasyon kina Teodoro at Puno kaugnay ng pagpapalaya sa dalawa pa nilang bihag na sina Swiss national Andreas Notter at Eugenio Vagni, Italian. Totoong hindi na­ayon sa batas at hindi ma­ganda sa buong pama­halaan na maki­pagnegosasyon sa mga terorista.

Ang problema ng pamaha­laan ngayon ay kung papaano mapipigilan ang panliligalig ng grupong ito na tila ginawa nang cottage industry ang pangingid­nap at wala nang sinisino.

Kailangan marahil ay ituring nang mga tulisan ang grupong ito at gumamit na ng kamay na bakal laban sa mga bandidong ito upang matapos na ang kanilang kabuktutan.


ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER ALBADER PARAD

ANDREAS NOTTER

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEO

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

MARY JEAN LACABA

NAUNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with