^

PSN Opinyon

Bakbakan ng kabayo, napasok ng BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ANIMO’Y boxing na mapapanood sa telebisyon, may audience, commentator, mananaya at may opening pang national anthem. Ganito ang eksena sa derby ng KABAYO sa Sta. Maria, Davao Del Norte.

Ang nakakatawa rito, sa kabila ng batas na Republic Act 8485 o Animal Welfare Act na nagbabawal sa horse fighting, bulgaran ang aktibidades na ito sa lalawigan ng Sta. Maria sa Davao.

Napasok ng BITAG at aktuwal na nasaksihan ng aming grupo ang kalupitan ng mga nasa likod ng horse fighting, kabilang na rito ang organizer ng nasabing derby, ang mga manonood at mananaya.

Mas matindi ang bakbakan at pag-aaway ng mga kabayo, mas malakas ang hiyawan. Habang mas nasu­sugatan ang talunang kabayo, lumalaki naman ang pus­tahan.

Sinasabi na ang horse fighting ay tradisyon lamang at ginaganap tuwing may fiesta. Subalit nang mag-imbestiga ang BITAG, Hunyo pa ang buwan ng fiesta sa Sta. Maria.

Hindi ito ordinaryong horse fighting lamang dahil tat-long araw itong ginaganap na may kategorya pang preliminary o entrée, semis at grand event.

Sa bawat araw o kategorya, pitong laban ang naga­ganap. Ibig sabihin pitong kabayo ang nasusugatan o mas malala na mamamatay kada araw ng laban.

Ayon sa Network for Animals, matagal nang ipinagba-wal ito sa ating bansa dahil isa itong uri ng pagmamaltrato sa hayop.

Aalagaan mo, pakakainin, bibigyan ng bitamina at palalakasin subalit sa huli ga­ gawin mong panlaban upang pagkakitaan. Likas na sa ka­bayo ang pagiging malakas, ginagamit pa nga natin itong mga Pinoy sa transportasyon, pan­­­li­ba­ngan at pantulong sa ating tra­baho o mga gawain.

Subalit kung gagamitin sila sa kapritso, sugal at pakikipag­laban, ibang usa­pan na ito para sa BITAG.

Simula pa lamang ito ng aming imbestigasyon, tina­tawagan namin ng aten­siyon ang Department of In­terior and Local Government at Department of Tourism sa kasong ito.

Ano pa ang silbi ng ba-tas R.A 8485? Abangan!

vuukle comment

AALAGAAN

ABANGAN

ANIMAL WELFARE ACT

DAVAO DEL NORTE

DEPARTMENT OF TOURISM

LOCAL GOVERNMENT

REPUBLIC ACT

SHY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with