^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga paraan para ganap na mawala ang Sayyaf

-

UMANO’Y nabuo ang Abu Sayyaf noong 1987 na ang miyembro lamang ay nasa 100. Ngayon ay lumaki na ang kanilang bilang at may mga malalakas na armas. Kahit na marami nang nalagas na pinuno — napatay na si Khadafi Janjalani, Abu Sabaya, Radulan Sahiron, Kumander Robot at iba pa, patuloy pa rin sa pangingidnap at pagpatay ang grupo. At nadadagdagan pa umano ang mga miyembro. Noong 2000, binihag ng grupo ang 27 turista sa Sipadan, Malaysia at dinala sa Sulu. Pinatubos ng milyong dollar bilang ransom. Muling sumalakay sa Dos Pal-mas resort sa Palawan at binihag ang mga turista na kinabibilangan nina Martin at Gracia Burnham. Nailig-tas si Gracia pero namatay si Martin sa isang rescue operation. Isang turista na ang kanilang pinugutan na nagngangalang Guillermo Sobero. Marami pang pagdukot at pagpatay ang kanilang ginawa.

Hanggang ngayon, problema pa rin ang hatid ng Abu Sayyaf makaraang dukutin ang tatlong Red Cross workers noong January. Nagdemand ang Sayyaf na alisin ang tropa ng pamahalaan sa kanilang lungga kundi ay pupugutan ng ulo ang kanilang mga bihag. Noong Huwebes ng gabi, pinalaya ang isa sa mga bihag na si Mary Jane Lacaba. Dalawang dayu­han — isang Italian at Swiss ang nananatiling nasa kamay pa ng Sayyaf at ang mga ito raw ang kanilang pupugutan kapag hindi sumunod ang Armed of the Philippines sa kanilang kahilingan na alisin lahat ang mga sundalo sa kanilang pinagkukutaan.

Wala nang katapusan ang ginagawa ng Sayyaf. Mapalaya man ang dalawa pang natitirang bihag, muli silang mangingidnap. Muling gagawa ng karahasan.

Tanging paraan para hindi madagdagan pa ang Sayyaf ay ang pagkakaloob ng mga mahahalagang serbisyo para sa mga residente ng Sulu. Nagkuku­lang ang gobyerno sa pagbibigay ng serbisyong medical kaya maraming maysakit sa lugar na iyon na hindi na nakatitikim pa ng gamot at hinihintay na lamang ang kamatayan. Magkaroon ng development projects para sa mga taga-Sulu. Lumikha ng kanilang pagkakakitaan para hindi hangaring sumapi sa Abu Sayyaf. Huwag kaligtaan ang pangangaila­ngan ng mga mahihirap sa nasabing lugar. Habang nagsasa­gawa ng pagtugis sa mga Abu Sayyaf ay paigtingin din naman ang pagkakaloob ng tulong sa mga residente.

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ARMED OF THE PHILIPPINES

DOS PAL

GRACIA BURNHAM

GUILLERMO SOBERO

KANILANG

KHADAFI JANJALANI

SAYYAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with