^

PSN Opinyon

'Buy-bust' ng droga

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NANG pumunta ang isang “informant” sa opisina ng DEG (Police Drug Enforcement Group) at ipinaalam sa mga operatiba na kaya niyang magset-up ng bentahan ng shabu sa isang drug pusher sa kanilang barangay, bumubuo ang pulis ng isang grupo na huhuli sa pusher kasama sina SPO1 Bert, PO1 Rudy, SPO1 Mar at PO1 Allan.

Kinabukasan muling pumunta sa presinto ang informant upang ipaalam sa mga pulis na nagkasundo na sila sa ben­tahan na gaganapin sa isang fastfood outlet malapit sa Boni­facio monument sa Caloocan. Pumunta ang grupo at nag­handa para sa buy-bust operation. Si SPO1 Bert ang nag­panggap na bibili ng droga samantalang sina SPO1 Mar at PO1 Rudy naman ang magbabantay o magsisilbing “look-out”. Binigyan si SPO1 Bert ng markadong pera (marked money) na nagkakahalaga ng P8,400. Isinama siya ng informant sa lugar ng bentahan. Palihim naman na sumunod sina SPO1 Mar at PO1 Rudy upang saksihan ang magiging benta­han ng droga.

Nakita ni PO1 Rudy na nakipag-usap sa informant at kay SPO1 Bert ang suspek. Pagkatapos, sumakay ang tatlo sa isang sasakyan papuntang Malabon. Patuloy na sumunod sina PO1 Rudy at SPO1 Mar. Habang nasa daan, nakita nila ang suspek na lumapit sa isang tinedyer na may kargang bata. Nakita nila ito na humugot ng dalawang pakete mula sa diaper ng kargang bata at ibinigay ang mga pakete kay SPO1 Bert. Ibinigay naman ni SPO1 ang markadong pera sa suspek.

Lumapit sina PO1 Rudy at SPO1 Mar sa suspek at inaresto ang lalaki sabay kuha ng dalawang pakete na naglalaman ng shabu. Nabawi ni SPO1 Mar ang markadong pera mula sa lalaki na nakilala sa pangalang Cardo. Binasahan si Cardo ng kanyang karapatan pagkatapos, tumuloy ang apat sa bahay ni Cardo kung saan nakakuha pa sila ng isang malaking pakete ng shabu na hinukay mula sa butas sa ilalim ng bahay.

Noong Nobyembre 22, 1999, kinasuhan si Cardo ng illegal na bentahan at illegal na posesyon ng shabu. Sa paglilitis, si PO1 Rudy at SPO1 Mar lamang ang tumestigo. Inilipat na kasi si SPO1 Bert sa Visayas. Tumestigo si PO1 Rudy tungkol sa pag­ papalitan ng pera at droga sa pagitan ni SPO1 Bert at Cardo. Tumestigo naman si PO1 Mar tungkol sa pagbawi ng markadong pera kahit pa nga hindi ito isinumite bilang ebi­densiya.

Pagkatapos ng paglilitis, napatunayang nagkasala si Cardo. Nang umapela, pinanindigan ng CA na nagkasala si Cardo sa illegal na bentahan ng shabu ngunit hindi sa illegal na posesyon nito dahil walang search warrant nang halug-hugin nila ang bahay ni Cardo.

Kinuwestiyon pa rin ni Cardo ang desisyon ng CA. Dapat daw siyang ipawalang-sala dahil hindi ginawang testigo si SPO1 Bert na nagpanggap na bumibili ng droga o “poseur buyer”. Hindi rin daw isinumite bilang ebidensiya ang marka­dong pera upang patunayan ang bentahan. Tama ba si Cardo?

MALI. Ang “buy-bust operation” ay isang paraan ng paghuli sa akto sa mga lumalabag sa batas. Ang mga elemento nito ay 1) ang pagkilala sa bumili ng droga, at sa nagbenta nito, ang droga na pinagbili at ang presyo ng bilihan, at 2) ang pag-aabot salin ng drogang ibinenta at ang pagbabayad nito. Ang importante dito ay talagang nangyari ang bentahan at isinumite sa korte ang droga bilang ebidensiya. Sa kasong ito, ang pag­bibigay ng illegal na droga sa pulis na nagpanggap na bumibili nito at ang pagtanggap ng perang bayad sa droga ng nagbe­benta nito ay hudyat na tapos na ang bentahan.

Hindi importante sa kaso na hindi tumestigo si SPO1 Bert. Tutal, tumestigo naman sina PO1 Rudy at SPO1 Mar na nag­mat­yag at nakasaksi sa naging bentahan ng shabu. Nahuli si Cardo sa akto ng pagbebenta ng shabu ayon na rin sa pahayag ng dalawa. Maliban na lamang kung may maipa­pakitang malinaw at mati- bay na ebidensiya si Cardo na may ibang motibo ang dalawang pulis upang idiin siya sa kaso o hindi nila ginagawa ang kanilang tungkulin, ang testimonya nila ay sapat na. Walang ganitong ebidensiyang naipakita si Cardo. Hindi rin niya puwedeng itanggi na siya ang nagbenta ng shabu dahil nahuli nga siya sa akto.

Ang hindi pagsumite ng markadong pera bilang ebiden-     siya ay hindi rin importante. Karagdagang katibayan lang ito    sa illegal na bentahan ng droga. (Cruz vs. People, G.R. No. 164580. Feb. 6, 2009)

BENTAHAN

BERT

CARDO

DROGA

PO1

RUDY

SHY

SPO1

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with