^

PSN Opinyon

Dagdag na aksyon para sa 'emergency employment'

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAILANGANG gumawa ang pamahalaan ng mas mala­wak pang aksyon para sa emergency employment ng mga kababa­yan nating nawawalan ng trabaho dahil sa global financial crisis.

Ito ang binigyang-diin ng aking panganay na anak na si Se­ nate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment. Pinansin ni Jinggoy ang ulat ni Labor Undersecretary Rosalinda Baldoz na mula Oktubre 2008 hanggang nitong kalagitnaan ng Marso ay umabot na sa 121,000 na manggagawa ang naapektuhan ng krisis.

Sa naturang bilang umano ay 11,574 ang tuluyan nang natang­gal sa trabaho; 38,806 ang pansamantala munang na-“lay off”; 59,149 ay isinailalim sa “flexible work arrangements” o bina­wasan ang oras at araw ng pasok sa trabaho; at 12,000 ay mga OFW partikular sa Taiwan at United Arab Emirates na na-retrench at pinauwi na ng mga employer.

Marami na rin aniyang “electronics firms” sa ating bansa ang ginawa na lang munang kalahati ang suweldo ng kanilang mga empleyado habang nagpupumilit ang ka­nilang mga kompanya na malampasan ang krisis at makabawi sa negosyo. Base sa datos, pinakagrabeng nasagasaan ng krisis ang     electronics sector kung saan ay halos kalahati ng mga mang­gagawa rito ay naa­pek­tuhan, habang sampung porsyento naman ang apek­tadong mga kawani sa sektor ng automotive, garments, mining, property, services, at woodworking. Average na 397 mangga­gawang Pinoy umano ang nawawa-lan ng trabaho kada araw dahil sa krisis.

Noon pa mang kasisimula pa ng krisis ay isinulong na ni Jinggoy ang mga hak­bangin bilang pagtugon ng ating bansa dito, at kama­kailan nga ay idinaos ang isa rin niyang mungkahi na “multi-sectoral conference on emergency employment” at sinegundahan din ito ng Malacañang.

Pero ayon kay Jinggoy, kailangang ipatupad na agad ng pamahalaan ang mga pinag­-   ka­sunduan sa naturang mga pagtitipon, at tuloy-tuloy isa­gawa ang konsultasyon ng gob­yerno, mga negosyan­te, mga mang­gagawa at labor ins­ titutions upang regular na ma­kapag­balangkas ng mga hak­­ba­nging pang-ayuda sa mga na­a­apek­tu­hang manggagawa.


CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR UNDERSECRETARY ROSALINDA BALDOZ

PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SENATE COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with