Malaya na ba talaga?
MADALAS sabihin na ang iyong nakaraan ay babalik para multuhin ka. Ang mga nagawa mong kamalian ay hindi basta-basta nawawala, at kadalasan ay bumabalik kung kailan ka hindi handa. Ilang maiinit na isyu ang ngayo’y bumabalik na naman, at isa na rito ang “Aquino-Galman double murder case”. Noong Huwebes ay pinalaya na ang 10 natitirang mga sundalo na “sumundo” kay Ninoy noong Agosto 21, 1983, matapos ang 26 na taong pagkakaku-long. Ngayon ay mainit na naman ang isyu ukol sa totoong may utos ng pagpaslang kay Ninoy.
Sino nga ba ang naniniwalang si Galman ang puma-tay kay Ninoy, kundi ang mga sundalo? Pusila, pusila! Sino ba ang sumigaw ng mga salitang iyon? At ang hindi pa matanggap ng pamilyang Aquino ay ang patuloy na pahayag ng mga sundalo na sila’y walang kasalanan, na si Galman talaga ang bumaril, at hindi pagsasalita ukol sa kung sino ang nag-utos sa kanilang gawin iyon.
Maliwanag ang resulta ng Agrava Fact Finding Board, pero may mga taong hindi kinulong kahit lantaran ang kanilang pagkakasangkot sa mga planong ipinatupad noong Agosto 21. Ito malamang ang totoong ikinasasama ng loob ng mga sundalo, at hindi ang pinalalabas nilang inosente sila’t kinulong. At kaya siguro hindi pa makasalita, ay dahil makapangyarihan pa ang totoong nasa likod ng pamamaslang kay Ninoy. Malaya na nga sila, pero nakakulong pa rin ng kapangyarihan ng taong iyon.
Nagbago ang anyo ng pulitika sa Pilipinas dahil sa pangyayaring ito. Pero gumanda ba o lalong sumama? Hindi matanggal sa isipan na pulitika ang tunay na dahilan sa pagpapalaya ng mga sundalo. Tandaan na si dating President Cory Aquino ay hindi na kaalyado ni President Arroyo, kundi nasa magkabilang bahagi na ng bakod. Maliwanag na kritiko si Cory ng administrasyong Arroyo. Ito ba ang bawi ng Palasyo sa kanya at kanyang pamil- ya? Alam naman natin na hindi nagpapalampas si Pre-sident Arroyo sa mga ganyang mapuna sa kanyang administrasyon. Kaya kung ngayon ay tila minu multo na muli ang tunay na utak sa pagpatay kay Ninoy, manalangin na lang tayo na multuhin din ang mga nasa administrasyong Arroyo, para sa mga ginawa nilang kamalian sa mamamayang Pilipino, hindi lang sa pamilyang Aquino.
- Latest
- Trending