^

PSN Opinyon

Let justice be done to every man, including Erap

- Roy Señeres -

ONLI in da Pilipins ang nangyaring constructive resignation na pasya ng Korte Suprema sa kaso ni President Erap. There is no such animal na constructive resignation sa larangan ng mga batas at jurisprudencia ng employee-employer relations, maging sa pribadong sector at sa gobyerno. Kahit mag search kayo sa internet, sa Google man o sa Yahoo, awanin dijay ti constructive resignation.

Pero mayroon kayong matatagpuan na constructive dismissal. Halimbawa, may empleyado na nagtatrabaho sa main office ng kompanya sa Makati. Dahil sa galit na galit sa kanya ang boss niya, ipinalipat siya sa branch nila sa Lamitan, Sulo kahit ayaw niya. Bagamat walang dismissal na nangyari, ang turing pa rin diyan ay constructive dismissal. Kapareho na sa dismissal. Ang English word na constructive ay galing sa word na to construct or to interpret. Kaya ang judge ang mag-construe kung ang ginawa ng employer ay constructive dismissal o hindi.

Pero sa resignation, ang taong nag-resign lamang ang maaring magsalita ng tapos kung siya nga ba ay nagbitiw o hindi. Nobody else, not even the Supreme Court can construe what is in his mind kung nag-resign nga ba siya o hindi, unless lang kung mayroon siyang nilagdaang letter of resignation na sinumite niya.

Sa kaso ni Erap, walang written letter of resignation at walang public declaration na nag-resign siya. So what is there to construe or interpret kung nag-resign nga ba siya o hindi?

Sa kaso ko, maliwanag pa sa sikat ng araw na nag-resign ako irrevocably at in writing pa noong June 25, 2005 bilang Chairman ng National Labor Relations Commission (NLRC) dahil hindi ko na makayanan ang tindi ng bantot ng reheming Gloria at Mike Arroyo. Two weeks later noong July 8, 2005 ang grupo naman ni Secretary Dinky Soliman at Secretary Florencio Abad ang nagresign. Maliwanag ang aming mga resignation. Hindi na kailangan ng interpretation or construction. Pero sa kaso ni Erap, nanghimasok ang Korte Suprema. Sumakay daw kasi ng barge si Erap mula sa Malacañang at umuwi sa San Juan, ergo constructive resignation na raw ang ginawa niya. Ngek! Sabi ng anak ko na si Hannah na KBP Best Public Service Host for the year 2007 at 2008.

Kaya sovereign people of the Philippines, let justice be done to every man in the country, including Joseph Ejercito Estrada. Tayo ang hahatol sa kanya sa 2010!

ANG ENGLISH

BEST PUBLIC SERVICE HOST

CONSTRUCTIVE

ERAP

JOSEPH EJERCITO ESTRADA

KAYA

KORTE SUPREMA

MIKE ARROYO

PERO

RESIGNATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with