^

PSN Opinyon

'Mga alupihang dagat...' (Suspect sketch)

- Tony Calvento -

FEBRUARY 12, 2009 kwento ng isang malagim na patayan sa dagat ang naisulat ko. Ang titulo “Mga Alupihang Dagat.”

February 5, 2009 ng unang pumunta sa aming tang­gapan si Erlinda Sortijas dahil sa pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Eduardo Sortijas.

January 30, 2008 bandang alas kwatro ng hapon ng magpaalam si Eduardo sa kanyang pamilya na siya ay aalis upang mangisda kasama ang kaibigan nitong si Donny Custodio.

Isa pang bangka ang kasama nilang lumabas at ang sakay nito ay mga kapitbahay nilang sila Moreno Mendoza at Bernardo Viray.

Kinaumagahan ay narinig ni Erlinda ang balitang na-‘hold up’ ang bangka nila Bernardo. Kinabahan na si Erlinda nung bandang alas nuebe ng umaga dahil hindi pa bumabalik ang kanyang kapatid. Wala rin silang natatanggap na kahit anong ‘text message’ galing dito.

Nanghiram siya ng mga bangka para maghanap at nang paalis na sila nakasalubong nila ang bangka kung saan sakay sila Bernardo at Moreno.

Agad namang binanggit ni Bernardo na baka sila yung pangalawang bangka na naholdap kagabi.

Sa salaysay ni Bernardo bandang alas nuebe ng gabi ng silay nangisda sa kanilang bangkang ‘King Eagle’ kasama niya dito si Moreno.

May napansin silang dumarating na bangka.

“Nakita ko ang bangka na may sakay na tat­long lalaki na ang akala ko ay militar. Bigla kaming tinutukan ng mahabang baril nung lalaking nasa harapan ng bangka habang sumisigaw ng ‘Isod, isod!’” ayon sa sinumpaang salaysay ni Ber­nardo.

Sumampa ang unahan ng kanilang bangka sa ka­tig nila Bernardo at sinabihan sila ng isa pang lala­king may hawak rin ng baril ng ‘Lundag, lundag, lundag!’.

Maraming bagay ang nakuha ng mga armadong lalakeng. Ang makina na nagkakahalaga ng P28,000, wallet na may lamang P1,500, tools pang mekaniko na P1,000,00, battery na nagkakahalagang P1000,00, spotlight na P800,00, propeller shaft, flash light at mga ID at ilang mga personal ng dokumento.

Sa bangka naman nila Edwardo ang “King Fisher” nagpunta ang mga pirata.

“Nakarinig kami ng sigawan at ng putok ng baril galing sa bangkang nang-hold up sa amin. Ilang saglit na natahimik at pagkatapos may narinig ka­ming pitong beses na putok ng baril galing dun sa bangkang nangholdap sa amin,” ayon kay Bernardo.

Dagdag pa ni Bernardo na natatandaan nila ang mga mukha ng mga taong humoldap sa kanila. Isa sa kanila ay kilala niya sa pangalang Victor Tupaz sapagkat lagi din itong nangingisda.

Sa makahiwalay na lugar natagpuan ang mga bangkay nila Eduardo at Donny. Si Eduardo ay sa Parañaque nakita at sa Cavite naman nakita ang Bangkay ni Donny.

Kinilala ng Maritime Police ang grupo ng mga holdaper na sina Victor Tupaz at dalawa nitong kasama na sila alyas “Ambo at Bong-Bong.”

Upang makapag-umpisa ng imbestigasyon minabuti naming ipalarawan sa NBI artist ang mukha ng mga taong nanholdap sa mga mangingisda.Tinulungan sila ni Deputy Director Edmund Arugay ng National Bureau of Investigation at isang sketch ang naiguhit base na rin sa diskrispsyon ng mga taong unang hinoldap.

Sa mga reports na nakuha nila may tama ang isa sa mga holdaper ng nakaputok ng shotgun si Eduardo. Ito ay dinala at ipinagamot sa Tondo General Hospital sa Tondo kaya dinala nila ang sketch upang ipakita sa doktor na gumamot dito kay Tupaz.

NARITO ang sketch nitong si Victor Tupaz. Kung meron kayong impor­masyon ukol sa taong ito, makipag-ugnayan kayo aming tang­gapan o sa NBI. (KINALAP NI JONA FONG)

Sa mga gustong du­mulog sa aming tang­gapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 638­ 7285. Maari din kayo mag­punta sa 5th floor City­State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

Email: [email protected]

BANGKA

BERNARDO

BERNARDO VIRAY

DEPUTY DIRECTOR EDMUND ARUGAY

DONNY CUSTODIO

EDUARDO

NILA

SHY

VICTOR TUPAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with