NAPAKAHALAGA ng teknolohiyang Closed Circuit Television o CCTV sa panahon ngayon.
Ito rin ang susi ng mga otoridad sa pagresolba ng mga krimeng nagaganap lalo na sa mga establisimiyento ng bangko, mall, tindahan, opisina at iba pa.
Subalit kung ang kalidad ng CCTV ng isang establisimiyento ay mahina, at hindi maganda, nagiging balakid ito na makilala ang mga suspek sa naganap na krimen.
Ganito ang naging problema sa Landbank robbery na naganap noong January 22, 2008. Halos hindi makita at hindi namukhaan ang mga suspek na nanloob sa nasabing banko.
Ayon sa Region Police Intelligence Operatives Unit (RPIOU) ng National Capital Region (NCRPO), pumalpak ang video na kuha mula sa CCTV ng nasabing banko dahil obsolete at black and white pa ang kalidad nito.
Mabuti na lamang, nahuli ang isa sa mga miyembro ng sindikato ng holdaper na nanloob sa Landbank kaya’t isa-isang napangalanan ang kanyang mga ka-grupo.
Ang mga naunang pumasok na suspek o mga starter sa UCPB Bank Robbery na naganap noong October 15, 2007 ay siya ring mga starter sa Landbank Robbery.
Iisa ang tatak na iniwan ng sindikato sa panloloob ng dalawang bangko. Ito ay paggamit ng mga baseball cap at bonnet ng nagsanib na grupo ng Alvin Flores Group at Ozamis Group.
Sa nakuhang video rin ng RPIOU-NCRPO, ang nahuling panloloob ang naging madugo dahil isang guwardiya ang tumimbuwang sa pagkakabaril ng isa sa mga suspek.
Hindi rin tumatagal ang kanilang panghoholdap dahil nagagawa nila ito ng wala pang limang minuto.
Ganunpaman, payo ng isang CCTV expert huwag magtipid sa pagpapalagay ng CCTV. Karamihan daw kasi, para lamang masabing tumutupad sa batas na pagkakabit ng CCTV, basta’t may came ra at recorder ay ayos na.
Kaya nga raw may CCTV ay upang maidoku mento ang mga pagmumukha, kilos at galaw ng mga nasa loob ng isang establisimiyento. Nararapat raw na ang kanilang CCTV ay malinaw.
Ikalawa, ang mga recorder ay dapat digital o yung tinatawag na digital video recorder na may mga features na fast playbac at may face recog-nition.
Gayundin, nananawagan naman ang NCRPO at BITAG sa establisimiyentong nagiging biktima ng anumang panloloob, kahit walang nakuha o maliit lamang ang nanakaw ng mga sindikato sa inyo, ituloy ang reklamo at ituloy ang kaso.