^

PSN Opinyon

Lutuan sa Senado

K KA LANG? - Korina Sanchez -

HIRAP na hirap akong manood sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo sa isyu ng ulat ng World Bank ukol sa kut­sabahan sa pagsubasta ng mga proyektong pinopondohan nito. Sa simula pa lang, nakita ko na ang magiging tono at takbo ng imbestigasyon, na pina­munuan ni Sen. Miriam San­tiago. Alam naman ng lahat na ad­minis­trasyong senador si San­tiago, pero marami pa rin ang naniniwalang may sarili siyang pasya pagdating sa ganitong isyu ng katiwalian. Nagkamali na siguro silang lahat.

Unang binigyan ng oras ang doktor ni First Gentleman Mike Arroyo, para ipaliwanag kung bakit hindi puwedeng dumalo sa Senado. Pinaliwanag ang mga puwedeng gawin nang matinding stress sa kanyang pasyente. Matinding stress daw kasi ang matanong ng mga senador, na makakapeligro sa buhay niya. Pero puwede naman daw mag-golf! Tinanggap ni Santiago ang lahat ng paliwanag ng doktor, at pinayagang makaalis pag­katapos ng kanyang paliwanag. Sa mata ni Santiago, absuwelto na si FG.

Nagpatuloy naman sa isang power point presentation, para maayos daw ang maging takbo ng imbestigasyon. At dito na lumabas ang tunay na pakay ni Santiago. Matinding batikos at hamon ang inabot ng World Bank, mga opisyal nito, pati na ang Amerika, ukol sa ulat! Paano daw makapag-iimbestiga ang Senado kung ayaw silang bigyan ng kopya ng WB! At dito nakahanap ng kakampi si Ombudsman Merceditas Gutierrez, na halos inulit lang lahat ang sinabi ni Santiago!

Kitang-kita sa mukha ni Gutierrez ang galit. Sa bagay kahit nakangiti siya parang galit pa rin. Kesyo wala raw testigo, walang tumutulong para makapag-imbestiga mula sa World Bank. Pero hindi ba iyon nga ang trabaho ng Ombudsman? Ang tungkulin ng WB ay magbigay lang ng dahilan para makapag-imbestiga ang tamang ahensiya ng bansang kinauukulan! Wala silang kapangyarihan para mag-imbestiga. Kaya nga ibinigay ang ulat sa dalawang ahensiya na makakasulong ng imbestigasyon. Ika nga, nabigyan na nga sila ng ulam, gusto pati kanin at inumin ibigay na rin! Nagkalutuan na sa Senado!

At nang dumating ang panahon na ang mga Senador na-man ang magtatanong kina Sec. Gary Teves at Gutierrez, sinita ni Santiago kung puwede bilisan lang! Noong siya ang nagsa­ salita, wala namang nagma­madali sa kanya, pero kapag mga gustong magtanong na, hindi na niya pinaporma katu- lad ni Senator Biazon! At nung medyo pumapa­lag ang dating heneral, kinastigo na ni Santia-go na hindi dapat hinahamon ang otoridad niya bilang Chairman ng komiteng iyon. Tapos ang boksing!

Kaya siguro umalis na lang sina Senators Mar Roxas at Ping Lacson, bagama’t may mga lakad daw sila, kasi wala nang mangyayari sa kanilang oras, kahit handa na silang magpakita ng mga ebidensiya  at testigo ukol sa anomalya! Iyan ang demokrasya ayon kay Santiago. Huwag nang magtaka kung bakit hindi nahalal sa ICJ.

Ano pa ba ang aasahan ng mamamayan kay Santiago? Hindi ba ganun din ang ginawa niya kay Jun Lozada sa mga pagdinig noon sa ZTE/NBN? Ibi­nunyag niya ang mga uma­no’y anomalya kung saan sang­kot si Lozada, para sirain ang kredi­bilidad niya? Pero nung umamin si Lozada sa mga bin­tang niya, tapos ang boksing! Wa epek ang mga atake ni Santiago.

Siguro nga dapat dumalo na ang mga opisyal ng World Bank sa Senado, at ilabas na lahat ng kanilang nalalaman. Doku­mento, testigo, lahat na. Para mapahiya na ang dapat mapa­hiya, maka­suhan na ang dapat makasuhan, makulong na ang dapat ma­kulong nang pangha­bam­buhay na! Kailangan may kahi­natnan ang lahat ng ito. Lahat na lang ng mga anomal­yang sangkot ang gobyerno at unang pamilya, nababasura na lang dahil sa mga kaalyado nito sa lehislatura. Nakikita na ninyo, kung paano kumilos ang admi­nistrasyong ito. Huwag nang pabayaang tumagal pa sa poder. Siguraduhing hang­gang 2010 na lang sila.

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GARY TEVES

LAHAT

LANG

PERO

SANTIAGO

SENADO

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with