^

PSN Opinyon

Tunay na kulay ni Miriam lumantad

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAKIPAG-AWAY si Miriam Defensor Santiago sa mga kapwa-Senador — para lang mapamunuan ang imbes­tigasyon ng tatlong komite sa kutsabahan sa bidding ng World Bank roadwork nu’ng 2003. Pinuna niyang mali-mali umano ang naunang inquiry ng Kamara sa parehong isyu, dahil binalak ipatawag ng mga kongresista ang WB officials sa Maynila na may diplomatic immunity. Nagwala pa siya dahil hindi umano kumilos sina Secretaries Hermogenes Ebdane at Gary Teves, at Ombudsman Merceditas Gutierrez nang tanggapin ang WB report tungkol sa kutsabahan nu’ng Nob. 2007. Nagsakripisyo pa umano siya na pagpatuloy na paghi-hearing miski dapat naka-leave of absence dahil sa matinding pagkahapo. At nanawagan pa kay First Gentleman Mike Arroyo, sa pamamagitan ng media, na sumipot para ipaliwanag ang ulat na protektor siya ng mga nagkutsa­bahang kontratista.

Moro-moro pala ang lahat, wika ni Sen. Panfilo Lacson. Balatkayo, dagdag ni Black-and-White Movement spokeswoman Leah Navarro.

Tila isang script ang mahusay na sinunod ni Miriam. Kaya tulad ng naunang ginawa ng Kamara, mabilis nilang pinawalang sala ang mga kontratista. Ibinaling ang bintang sa WB dahil umano ayaw magbigay ng kopya ng report sa Senado. At pinalabas na malupit na dinamay lang sa anomalya ang kaawa-awang maysakit na Mike. Sa huli, binanta ni Miriam na ipatatawag niya sa susunod na hearing ang WB officials — bagay na nauna na niyang tinuya na hindi ma­aaring gawin ng mga kongre­sista.

Nu’ng una, ma­raming umasa na hahalukayin ni Miriam ang katotohanan sa kutsabahan — lalo na ang muling pagka­sang­­kot ng kontrober­siyal na Mike Arroyo. Nadadala kasi ni Miriam ang madla sa mga salita at arte niya na animo’y si Gabriela Silang na pinamumu­nuan ang mga rebelde sa paglusob sa mga malu­lupit na Kastila.

Pero lumabas ang to­too. Ang loyalty ni Miriam ay sa Arroyo ad­min, kung saan siya ku­mandidato nu’ng 2004. Presidential adviser ang asawang si Narciso. At Malaca­ñang ang taga-release ng kan­yang pork barrel­. Ayos!

AT MALACA

BLACK-AND-WHITE MOVEMENT

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GABRIELA SILANG

GARY TEVES

KAMARA

LEAH NAVARRO

MIKE ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with