^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat imbestigahan ng Senado ang Hanjin

-

KUNG may isang dapat pagkaabalahan ngayon ang mga senador, ito ay ang pag-iimbestiga sa mga nang­yayaring aksidente o disgrasya ng mga manggagawa sa Hanjin Shipyard sa Subic. Kapag hindi pa kumilos ang Senado sa mga nangyayaring ito, malamang na madag­dagan pa ang mga nama­matay sa nasabing shipyard. Dapat nang maimbes­tigahan kung may ipinasusunod na safety precaution measures ang Hanjin at kung naka­tatanggap ba ng kaukulang tulong ang mga mangga­gawang naaaksidente.

Mula nang mag-operate ang Hanjin noong 2006, nasa 19 na manggagawa na ang namamatay. Kabi­lang sa mga namatay ang Korean foreman na nasa­gasaan ng forklift noong January 25.

Noong Martes, muntik na namang madagdagan ang mga nalagas sa Hanjin nang ang shuttle bus na sina­sakyan ng mga empleado ay nahulog sa isang bangin sa Bgy. Cawag, Subic, Zambales. Ayon sa report sob­rang bilis ng shuttle bus at hindi na­kontrol ng drayber ang manibela kaya dumayb sa bangin. Sabi ng mga     em­pleyado, nakikipagkarera ang shuttle bus sa dala­wang bus sa kahabaan ng Access Road. Mahigit 50 empleado ang nasaktan.

Patuloy ang nangyayaring insidente sa Hanjin na malinaw na nakikitang may pagkukulang sa mga nama­mahala. Hindi na binibigyang halaga ng mga namama­hala ang kaligtasan ng mga manggagawa. Ang ganitong kapabayaan ay nakita nang ang mang­­­gagawang si Raldon del Rosario, 19, ay mabagsa­kan ng isang bakal. Kai-install lamang umano ang bakal nang bumagsak at namatay on the spot ang ka­wawang manggagawa.

Kung mayroong ginagawang pag-iingat sa kani­lang mga manggagawa ang Hanjin, hindi mangya­yari ang ganitong sunud-sunod na mga insidente. Parami nang parami ang mga namamatay at walang aksiyon ang Hanjin. Hindi yata nila nalalaman ang kahulugan ng pag-iingat na dapat ipaalala sa mga trabahador.

Ang ganitong sunud-sunod na insidente ay nara­ra­pat nang pakialaman ng Senado. Hindi dapat ha­yaan ang ganitong kompanya na walang pakialam sa kalig­tasan ng mga manggagawa.

Noon pa binalak ni Sen. Pia Cayetano na mag­ka­­ro­on ng inquiry sa mga nangyayari sa Hanjin workers pero nagulat ang senadora nang makialam ang South Korean ambassador. Hindi raw kailangan ang inquiry. Magdudulot lang daw ng substantial at negative repercussions.

Lumalabas na pinangungunahan ng Korean ambassador ang mga Senador. Sino ba ang susundin? Dapat magpakita ng ngipin ang mga senador sa nangyayaring ito sa Hanjin. Hindi dapat mabahag ang buntot.

ACCESS ROAD

DAPAT

HANJIN

HANJIN SHIPYARD

NANG

NOONG MARTES

PIA CAYETANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with