^

PSN Opinyon

Task Force Bolitok, inilunsad ng DENR-III

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SA wakas, personal nang nakausap ng BITAG ang bagong upong Regional Executive Director ng Department of Environment and Natural Resources – Region III Antonio Principe.

Kahapon sa BITAG Live, naging panauhin namin si Director Principe at dito, kinumusta namin ang kontro­bersiyal na isyu ng pagpapatag ng bundok sa Bgy. Bolitok, Sta. Cruz, Zambales.

Ang isang magandang progreso, bumuo ng grupo si Principe na personal na nagtungo at nag-imbestiga sa nasabing lugar, ang Task Force Bolitok.

Naisagawa na raw ng Task Force Bolitok ang field investigation kung saan, sinuri ang lokasyon ng bundok ng Bolitok. Ayon kasi sa resulta ng survey na isinagawa ni Engr. Clerigo, dati raw itong lubog sa tubig.

Kaya naman ang kompanya ng minahan ng DMCI, walang pakundangan na tinibag ang bundok at pinatag upang maging daan nila sa dagat.

Subalit sa survey ng isa pang geodetic engineer na si Engr. Lazaro, talagang bundok at mataas na lupa ang nasabing lugar.

Inaasahang sa katapusan ng buwang ito, lalabas ang resulta ng imbestigasyon ng Task Force Bolitok.

Ayon pa kay Principe, lahat ng sangkot sa pagsusukat o pagsu-survey ng nasabing lugar ay kabilang ang dalawang nabanggit na inhinyero ay pagha­harapin sa Bgy. Bolitok mismo.

Ito’y upang aktuwal na makita kung sino ang nagsasabi ng totoo kung ang idinek­la­rang lot 3566 at 3600 ay tunay na lubog sa tubig o eto ang bundok mis­ mo ng Bolitok.

Naiintindihan ng BITAG ang panig ni Prinsipe sa mga pana­hong ito, dahil kauupo lamang niya bilang R.E.D ng region III, siya ang sumalo ng proble­mang iniwan ni Regidor De Leon. Na­ni­niwala ang BITAG na nalalapit na ang pag­labas ng katotohanan hinggil sa panlalapas­ta­ngan sa bundok ng Bgy. Bolitok.

Kaya dapat ma­na­got, maghanda-handa na kayo dahil walang lihim na hindi nabubun­ yag. Walang bahong hindi sumisingaw.

Walang kasalanang hindi nababayaran at tiyak ng BITAG na ma­na­nagot ang may kasalanan!

ANTONIO PRINCIPE

AYON

BGY

BOLITOK

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DIRECTOR PRINCIPE

KAYA

REGIDOR DE LEON

SHY

TASK FORCE BOLITOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with