Plan holders, oh my plan holders
KAWAWA ang mga plan holder na kumuha ng pension, education, life echetera sa mga pre-need companies na nagsara.
Sabi nga, sabit ang puhunan.
Kaya pala hindi mahabol ng mga ito ang owner ng ilang pre-need companies ay may ipinagmamalaki sa itaas.
Sabi nga, bigtime people.
Naku ha!
Ang Legacy Company na pag-aari ni Celso delos Angeles, ay isa lang sa mga nagsara kaya naman maraming crying in the rain na plan holders ang naggagalaiti sa galit dahil malabo na daw maibalik sa kanila ang kanilang pera na investment sa nasabing kumpanya?
Ika nga, hikbi!
Sa ulat ng Security and Exchange Commission sumadsad ang Legacy dahil nalugi daw sila kaya nagsara ito.
Sa parte ng SEC may ginawa ba sila?
Kung mayroon ano?
Tandaan natin may kasabihan ‘promises are made to be broken?’ Hehehe!
May 3,013 square meters na lupa si Celso delas Angeles sa isang place sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.
Naibenta ang land last December 2, 2008 ng P57 million sa isang babae na waswit ng isang millionaire Filipino- Chinese, kaya kahit papaano may pera pa rin sa bulsa si Celso kahit declare bankrupt ang Legacy.
Sabi nga, habulin na!
Naging kontrobersyal itong si Celso kung matatandaan lamang ng madlang people siya ay na link sa isang dancer noon naging laman ito ng mga balita.
Sabi nga, kaliwa’t kanan.
‘Sino kaya ang maglalakas loob na imbestigahan si Celso?’ tanong ng kuwagong bata ng politiko.
‘Sinasabing malalakas daw ang mga kaibigan nito sa gobierno kaya baka alaws mangyari?’
‘May tiwala ba ang madlang people sa justice system natin sa ngayon?’ Tanong ng kuwagong urot.
‘Malaki pa naman’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Sa isyu ng Alabang Boys?’ tanong ng kuwagong adik.
‘Iyan ang problema,’ Hehehe!
Putol dito, putol doon
SUMULAT sa mga kuwago ng ORA MISMO, last January 22, 2009 na natanggap naman ng Chief Kuwago yesterday ang isang Relly Javier, pangulo ng Steward and Vanguard of the Earth Movement (SAVE) para ireklamo ang ginawang pagputol sa mga matatandang puno dyan sa Olongapo National High School at ito ay nilagare o pinalakol noon alaws pasok ang mga student sa school.
Binatikos ng grupo ni Relly si Ellen Agabao, principal ng nasabing paaralan dahil ang ginawang pagputol ng mga puno lalo’t sa isang public land ay pinagbabawal sa ilalim ng butas este mali batas pala at kailangan may pahintulot pa ito ng Deparment of Environment and Natural Resources.
Sabi ni Relly, mga narra at mahogany trees ang pinutol at ito aniya ay mga matatandang puno.
Sabi nga, hindi birong puno.
Ani Relly, dapat ang mga guro sa paaralan ang magturo sa mga estudiante kung paano igagalang ang mother nature at to protect the environment.
Gustong ipatigil ni Relly ang pagputol pa daw ng ibang trees dahil may impormasyon silang marami pang puno ang itutumba.
Hihintayin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pamunuan ng Olongapo City National High School kung gusto nilang sumagot sa atin. Bibigyan natin sila ng space para sumagot.
‘Sana magkaayos sila sa school para naman maproteksyunan ang mga puno todits’ sabi ng kuwagong magkakahoy.
‘Kung naputol ang puno ano ang gagawin dito?’ Tanong ng kuwagong haliparot.
‘Mas maganda siguro kung pinabunot nila ang puno at inilipat na lamang ng lugar para maalaga ito.’
‘Mahal ang mga punong pinutol kung ibebenta dahil narra at mahogany iyon.’
‘Naku ha!’
‘Kamote, ano sa palagay mo ang gagawin dito?’
‘Dyan hindi ako mapalagay.’
Abangan.
- Latest
- Trending