^

PSN Opinyon

Krimen at kaparusahan

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MADALAS naming napag-uusapan ni Ted (kasa­ma ko sa “Tambalang Failon at Sanchez” sa DZMM) ang kabilisan ng hatol at kabagsikan ng parusa sa China. At ang pinakabagong halimbawa nito ay ang pagsen­tensiya ng kamatayan sa dalawang empleyado ng isang kompanyang gatas na napa­tunayang may sala sa paglalagay ng melamine sa gatas, na naging sanhi ng pagkakamatay ng ilang sanggol, at pagkakasakit ng ilang daang tao. Marami pa ang nahatulan ng panghabambuhay na pagkabilanggo, kasama pa rito ang may-ari ng kompanya na 66-anyos na babae! Wala talagang kinilingan ang kanilang hukuman, na sa tingin nang marami, ay lantaran na paglalabag sa karapatang pantao. Wala namang magagawa ang mundo dahil batas nila ang nasusunod. Napahiya rin kasi nang husto ang China dahil sa iskandalong ito, kaya ipinakita lang sa mundo na pinarurusahan nila ang mga salarin. Kaya madalas naming daing na sana ganyan din kabilis at kabigat ang parusa sa mga kriminal sa ating bansa.

Pero kung nakinig kayo sa imbistigasyon ng Kon­ greso sa alegasyon na sinuhulan si DOJ prosecutor John Resado, mukhang hindi na talaga mapaparu­sa­han ang mga tunay na salarin! Walang tigil pa rin ang patutsada ng dalawang magkabilang kampo. Binu­weltahan naman ni Resado ang PDEA. Siniwalat na tinangkang suhulan siya ng abogado ng PDEA na si Alvaro Lazaro! Nagpahap­yaw daw si Lazaro kay Re­sa­do na bilisan ang pagbasura sa kaso laban sa Alabang Boys, at siya na raw ang bahala sa pag-aayos ng papeles, pati pag-uusap kay Director Santiago! Pero marami ang hindi makapaniwala, kasama na ako. Bakit ngayon lang niya inilabas? Kung may pagkakataon na siyang ilantad ito noong unang pagdinig ng Kon­greso sa kaso ng suhulan? Suhu­lan din lang naman ang pinag-uusapan, bakit hindi pa ibinunyag? Dahil ba naiipit na siya sa mga tanong ukol sa perang pu­masok sa banko niya, na nag­kataon ay natapat sa araw kung kailan niya nilag-daan ang pagbasura sa kaso ng Alabang Boys? At dahil mismo sa mga pahayag niya, tila mas malalim pang butas ang kinalalagyan niya ngayon. Mga kasong hindi pagbayad ng tamang buwis hanggang sa hindi pagdeklara ng tamang SAL!

Wala na talagang mangyayari sa kaso ng Alabang Boys kung patuloy ang bangayan at bin­tangan ng DOJ at PDEA. At habang tumatagal ang bintangan at kontra-bintangan, walang nangyayari sa laban para masugpo ang ilegal na droga. Kaya maraming ilegal na droga dito, kasi halos wala namang napaparusahan hindi katulad sa China na kamatayan ang parusa.

ALABANG BOYS

ALVARO LAZARO

BAKIT

DIRECTOR SANTIAGO

JOHN RESADO

KAYA

PERO

SHY

TAMBALANG FAILON

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with