^

PSN Opinyon

Barangay-based retraining and hiring program sa OFWs

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nagpanukala ng pagsasagawa ng barangay-based retraining and hiring program para sa OFWs at iba pang manggagawa na natanggal sa trabaho dahil sa global recession.

Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng barangay-based businesses sa pagharap sa krisis.

Partikular niyang tinukoy ang mga negosyong tinutulu­ngan ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) Act of 2002 (Republic Act 9178) na nagtatag ng programa para suportahan ang maliliit na barangay-based business na hindi lalampas sa P3-milyon ang kapital at nasa larangan ng production, processing at manufacturing ng commodities, o sa agro-processing, trading at services.

Sa ilalim ng naturang batas, ang mga negosyong ito ay exempted sa pagbabayad ng income tax at pagsunod sa minimum wage, mayroong specially dedicated credit windows mula sa mga financial institution ang mga guarantor, at maliit lang ang binabayarang tax at fees sa local na pamahalaan. Ang BMBE program ay may inisyal na P300-million special revolving fund.

Nakaaalarma ang ulat ng Department of Labor and Employment (DoLE) na libu-libo nang OFWs at iba pang manggagawa ang natanggal sa trabaho dahil sa pag­bagsak o pagsasara ng mga kompanya, tulad ng mahigit 35,000 na na-retrench sa mga pabrika sa Laguna Tech­nopark sa Biñan at Sta. Rosa, Laguna na nag-e-export ng electronics at auto-motive parts.

Ang mga barangay-based business ay nagsi­silbing sustaining industry na nananatiling matatag sa kabila ng krisis, at ang mga ito ang may kaka­ya­hang makapagbigay ng retraining at kapalit na trabaho sa mga mangga­gawang apektado ng krisis.

Sa kanilang paglahok sa barangay-based retraining and hiring program, dapat silang big-yan ng pamahalaan ng mga dagdag na insentibo bukod pa sa kasaluku-yan nang iginagawad ng BMBE law.

BARANGAY MICRO BUSINESS ENTERPRISE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

LABOR AND EMPLOYMENT

LAGUNA TECH

REPUBLIC ACT

SENATE COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with