MALAKING batik na naman sa reputasyon ng ating bansa ang naganap na pagkidnap ng mga armadong grupo sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa Jolo, Sulu.
Ito ang malungkot na pahayag ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.
Ang tatlo –— sina Andreas Notter ng Switzerland na pinuno ng ICRC office sa Western Mindanao; ang Italian engineer na si Eugenio Vagni; at ang Filipino engineer na si Jean Lacaba, ay nagsasagawa ng “humanitarian mission” sa nasabing lugar nang sila ay dinukot ng mga lalaking nakamotorsiklo at pawang armado.
Ang Jolo ay ikinokonsiderang pugad ng Abu Sayyaf. Grabe ang mga problema at paghihirap ng mga residente roon kaya pinuntahan sila ng ICRC para tumulong. Kagagaling lang ng ICRC workers sa provincial jail para sa proyektong patubig nang sila ay kidnapin.
Ang mga kasapi ng ICRC ay malayang nakapagsa-sagawa ng humanitarian mission saan mang panig ng daig-dig. Wala silang pinapanigan, kinakampihan at itinuturing na kaaway. Ang misyon nila ay tumulong sa mga nangangailangan. Dahil dito, talagang grabe ang epekto ng insidenteng ito sa pananaw ng international community.
Isa na naman itong hamon sa pamahalaan para ipursige ang pagtitiyak ng kaligtasan at kapayapaan sa lahat ng lugar sa bansa. Matagal nang problema ang kidnapping sa bansa pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito nasosolusyunan ng mga otoridad. Kailan ba kikilos nang sapat ang gobyerno para mapuksa ang mga kidnapper?
Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay nanini walang mahihirapan tayong makahikayat ng mga mamumuhunan para magnegos- yo sa ating bansa at mag-empleyo ng mga Pilipino hanggat hindi nasusugpo ang kidnapping.
Paano nga naman magtitiwala ang mga negosyante kung ganyang kahit ang mga miyembro ng mga humani-tarian group tulad ng ICRC ay kinikidnap?