Instilasiyon ng mga Masons

YESTERDAY afternoon, natapos ang installation ng mga bagong opisyal ng Norberto S. Amoranto Lodge 358, dyan sa Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines.

Sabi nga, tsibugan umaatikabo.

Si Atty. Galileo Angeles, ang bagong Worshipful Master ng Amoranto Lodge si WM Ace Espejo ang kanyang pinalitan Master of the Lodge ngayon year 2009.

Samantala, ngayon araw ipaparada ng Rafael Palma Lodge No. 147, ang kanilang mga bagong halal na opisyal sa kanilang loya. Ito ang ika-53rd installation of Officers ng Rafael Palma Lodge.

Ang mga bagong three lights ng Rafael Palma ay sina Worshipful Master Jerry T. Borja, Geoffrey B. Medoza, Senior Warden at Hilario M. Farcon Jr., Junior Warden.

Ang lahat ng mga kuyang ay iniimbitihan ng nasabing loya ngayon alas-3:00 ng hapon sa Capitol Masonic Temple, sa Kyusi.

Samantala, ang ibang pang officials ng Rafael Palma Lodge ay sina Elias C. Avante Jr., PM, treasurer, Guillermo B. Lazaro Jr., PDDGM bilang secretary. Agapito O. Francisco, PM, auditor, Arlene P. Barrameda, PM, chaplain, Michael V. Rivera, marshal, Salvador D. Umengan, senior deacon, Oscar M. Joves, junior deacon, Rommel SJ Corral, PDGL, lecturer, Celso A. Mendoza, PM, historian, Dennis D. Acosta, almoner, Arnold V. Garcia, PDGL, custodian of work, Samuel d. Entuna, senior steward, Janus S. Nobleza, junior steward, Antonio B. Lazaro, PM, organist, Zito C. Ochoa, PM, tyler at Augusto E. Alvarez, PDGL, harmony officer.

Kung si SC Justice Reynaldo Puno ang tatakbo

MARAMING kakampi si Puno kapag tumakbo siya sa pagka-Prez ng Philippines my Philippines sa 2010 Presidental Election dahil sandamakmak na madlang people ang may gusto sa kanya para pamahalaan ang bansa. May ilang politics pa ang maggi-give way para sa ambisiyon basta ang ating pinag­uusapan lamang ang papalaot.

Ang problema mukhang ayaw ni Chief Justice na sumabak sa politics dahil ok na sa kanya na maging tagahikayat para magbuo ng moral course na tutulungan para maayos ang problema ng Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iba si Puno kapag pumalaot sa politics hindi kasi siyang kayang putulin dahil halos lahat ng madlang people today ay malaki ang respeto dito.

Sabi nga, mabango!

Ombudsman lumarga

NAGIIMBESTIGA pala ang Office of the Ombudsman sa mga kontratista at mga kamoteng taga- DPWH na nakinabang sa mga proyektong binuko ng World Bank.

Sabi nga, seryoso ang imbestigasyon.

May mga tauhan ang DPWH from the bids and awards committee na kinakalkal ngayon ng Ombudsman dahil sa umano’y paki­ kipagsabwatan nito sa mga kompanya blacklisted sa World Bank.

Hinihimay din ng Ombudsman kung paano nakakuha ng proyekto ang mga blacklisted companies.

May pitong kampanya este mali kompanya pala sa Philippines my Philippines ang blaclisted sa World Bank dahil may mga palsong ginawa ang mga ito.

Kailangan pabilisin ng Ombudsman ang ginagawang pagkalkal sa mga ito para naman matuwa ang madlang people na hindi pakaang-kaang ang graft court.

Abangan.

Traffic, traffic grabe sa EDSA

WALA ng magawa pa ang mga taga - MMDA traffic enforcer sa nangyayaring grabeng traffic sa EDSA lalo’t rush hour.

Sangkatutak ang mga driver ang tumataas ang alta presyon dahil dito kaya dapat habang maaga pa ang masolusyunan ang traffic sa EDSA.

Panahon na siguro para magbitiw sa puesto si MMDA Chairman Bayani Fernando dahil sa mata ng madlang people ay hindi na siya bayani sa mga nangyayari ngayon dyan sa EDSA.

Sabi nga, kontrabida ang dating.

Nakakaawa ang mga sumasakay ng taxi kapag dumaan sa EDSA dahil imbes na kakarampot lamang ang kanilang maging gasto sa sasakyan ay doble ito dahil sa traffic.

Ang hindi alam ng mga kamote ay apektado ang ekonomiya sa nasabing pagbagal ng galaw dyan sa EDSA.

Bakit? Sila ang makakasagot nito.

Sana magawan ng paraan ng gobierno ang sobrang traffic sa EDSA sa lalong madaling panahon para naman mawala ang init ng ulo ng madlang people na dumadaan todits.

Abangan.

Show comments