“PAGKATUWAAN KAYA NATIN ANG BUONG PILIPINAS….” Mga katagang binitiwan ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.
Nakaupo na kami at handang manood ng isang official entry sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
Isang “infomercial” para sa MMDA ang una mong mapapanood na mahigit pitong minuto. Matapos ipakita ang mga umano’y nagawang proyekto ng MMDA mula sa pera nating mga nagbabayad ng buwis may dalawang bata ang nagtatanong, “Bakit sa Metro Manila lamang napagkatuwaan ang Metro Gwapo?” Mabilis ang sagot ni Bayani, “Oo nga, pagkatuwaan ang BUONG PILIPINAS at gawing gwapo.
Alam ninyo ba kung magkano ang “cost of production” nung paggawa nung infomercial na ‘yun? Million piso! Sino ang gumastos si Bayani? Aba, itanong mo kaya Cong. Roilo Golez.
Napabalita na sa pagbukas ng Kongreso, sa pamumuno ni Golez na bubusisiin ang mga proyekto ni Bayani dahil baka nagagamit lang ang pondo ng MMDA sa pagpapalawig ng kanyang imahe para makatulong sa kanyang “presidential bid” sa 2010.
Isang magandang tingnan ng Kongreso ang mga litrato na ipinadala sa aking email ng iba’t ibang tao na tumutuligsa kay Bayani at inaakusahan siya ng ginagamit ang kanyang pwesto at ang pondo ng MMDA para isulong nga ang kanyang kandidatura.
Narito ang ilang litrato at makikita mo na mali na ang pangalang Metro Manila Development Authority dahil pinalawig na niya ito, o ang kanyang sarili sa buong Pilipinas.
Umpisahan mo sa AKLAN. Mga naka-pink na nag-aati-atihan at makikita natin na kasama si Bayani. Madalas pumunta dito si Bayani at hindi rin ako magugulat kung pupunta na naman siya ngayong taong ito.
LEYTE, nagkalat ang mga tricycle na may sticker ni Bayani at mga supporters niya na lulan ng mga truck ng Marikina City (paano nakarating dun) at ang mga plaka nito ay pawang mga “red plates”.
PASSI, ILOILO nagpadala ng mga “hardiflex boards” si Bayani para sa mga nasalanta ng bagyong “FRANK” subalit sarili na naman niya ang ibinabalandra gayung pera ng MMDA yan na galing sa atin.
Obando, Bulacan makikita ang mga heavy equipment, mga “crane trucks” na nagkakabit ng tarpaulin nitong si Bayani.
ZAMBALES, PALAWAN, CEBU, LAGUNA, CALBAYOG, SAMAR at pati na rin sa Tagaytay City puros mga tarpaulin ni Bayani ang nakadikit sa mga poste. Sino ang mga gumagastos ng lahat ng ito at ngayong nagkabistuhan na natatakbo pala siya sa 2010 halatang planado ang lahat ng ito at ginisa tayo sa sarili nating mantika.
GUMISING tayo sa ating pagkahimbing dahil “pinagkakatuwaan lang tayo” ng mamang MMDA Chair na ito at ang hindi nakakatuwa ay kaninong pera ang ginagamit niya.
Ang ating Metro Manila ngayon has been transformed to a pink steel caged, uturn slots, flyovers and concrete barrier jungles.
Kung hindi pa kayo nadidismaya sa nakikita ninyong litrato masdan ninyong mabuti yung ka-duet niyang artista na si Anna Leah Javier na hinahalikan niya ng nguso niya at todo ang higpit ang hawak. Mabuti na lamang at hindi siya inireklamo nitong Viva actress na ito na minsan ng nagreklamo ng “sexual harassment” laban sa isang kongresista. Nakakahiya ka naman Bayani!
PARA SA INYONG mga comments at reactions maari kayong tumawag sa 6387285 o magtext sa 09213263166, 09198972854. Maari din kayong lumiham sa aming tanggapan sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
Email address: tocal13@yahoo.com