^

PSN Opinyon

Short cut to technicality

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Bukambibig ngayon ng mga sumusubaybay sa ALA­BANG BOYS ang doktrinang“fruit of the poisonous tree”. Ang bunga na tinutukoy dito ay ang ebidensiyang nakalap sa paraang di-naaayon sa batas. Ang formula: Dahil labag sa Saligang Batas ang pamamaraan, hindi ito dapat pakinabangan. Sa kaso ng ALABANG BOYS, ang gina­wang paglabag sa batas ay: inaresto raw ang mga akusado na walang arrest warrant; nag-search daw para sa ebidensiya na walang search warrant (puwersahang binuksan ang compartment ng kotse); hindi raw nakipag-coordinate ang PDEA sa pulis; umamin daw ang mga bata nang walang katabing abogado. Dahil lahat ng ginawang ito ng PDEA ay ilegal, disqualified din ang ebidensiyang kanilang nakuha.

Masakit para sa mga pulis kapag ganito ang dahilan   ng pagbasura ng kaso. Lalo na kapag ang nakuhang ebidensiya – sa drug cases, ang mismong mga kontra­bando – ay nagpapatunay na guilty nga ang mga akusado. Kaya ito tinawag na “legal technicality” dahil ang pag­papalaya ay walang kinalaman sa isyu na kung ang krimen ay naganap nga o hindi. Kahit nga malinaw ang pagka-guilty, laya pa rin dahil lang may butas sa proseso.

Anuman ang katotohanan sa kaso ng ALABANG   BOYS, isang bagay ang hindi maikakaila. Ang ating pa­ mahalaan ay pinatatakbo ng batas. Kailanman ay mas mahalaga ang batas kaysa sa mga taong nagpapatupad dito.

Kaya’t pagnababasa natin na si Rep. Golez ay naba­ bahala na tila parating nadi-dismiss ang drug cases; tuwing magrereklamo si PDEA Director Santiago na parati na lang teknikalidad ang lusot – huwag sana nating kalimutan na nakaukit ang mga “teknikalidad” na ito sa ating Saligang Batas bilang proteksyon ng mamamayan sa abuso ng pulis at kagawad ng maka­pang­yarihang pamaha­laan. Ang mga karapatang pan­ tao – tulad nitong ga­ran­tiya laban sa walang ba­sehan at hindi makat­wi­rang aresto at pagha­lug­hog – ay sadyang na­pa­kamahalaga upang kali­mutan lamang sa init ng pagnanasang maka-iskor laban sa nagdo­droga. Wa­lang dahilan para hindi sun-dan ang mga prose­ song naka­saad sa Sali­gang Batas. Ang pinaka­mabilis na daan patungo sa technicality ay ang mag-short cut.

ANUMAN

BATAS

BUKAMBIBIG

DAHIL

DIRECTOR SANTIAGO

GOLEZ

KAYA

SALIGANG BATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with