SC imamanipula kaya ni Gloria?

PITONG mahistrado ng Korte Suprema ang takdang magretiro. Marami ang nangangamba dahil ang magpu­puno sa mababakanteng puwesto ay si Presidente Arroyo. Baka raw ipasok niya ang mga justices na kaya niyang “itsubibo” susuporta sa kanyang “ambisyong” mapalawig ang termino ng panunungkulan.

Partikular na naaalarma ang kilusang Bantay Korte Suprema, isang samahang nagmamatyag sa mga appointments na isasagawa sa ating Korte.

Ang organisasyong ito’y binubuo ng mga mamama­yang sumumpang susubaybay sa isasagawang screening process ng Judicial and Bar Council sa mga nominado para sa posisyon sa Mataas na Hukuman.

Hindi natin masisisi ang taumbayan kung maging nega­tibo ang isip. Palibhasa’y kitang-kita ang despera­dong pagsisikap ng administrasyon na mapahaba pa ang taning na panunungkulan ng Pangulo. At dahil nasa bingit ng alanganin ang Charter Change (Cha-cha) dahil marami ang tumututol, ang huling balwarteng puwedeng dulugan ng administrasyon ay ang Korte Suprema. Batid naman ng lahat na bahagi sa pagbutinting sa Konstitusyon ang probisyon para manatili sa tungkulin ang kasalukuyang lider ng bansa. Kaya nga marami ang pumapalag lalu na yung mga plantsado na ang planong kumandidato sa pagka-pangulo sa 2010.

Ulterior motive man ang nag-uudyok sa mga politi- kong ito na hadlangan ang Cha-cha, kinakatigan ko ito dahil ang eleksyon ay isang prosesong demokratiko na hindi dapat hadlangan.

May tiwala ako sa kasalukuyang komposisyon ng Korte Suprema dahil mga taong kapitapitagan at mapag­kakatiwalaan ang mga bu­ mubuo nito sa pa­mu­muno ni Chief Justice Puno.

Pero papaano kung ma­si­ngitan nga naman ng mga mahistradong puwe­deng paikut-ikutin ng ad­ministrasyon? Tama lang na magkaroon tayo ng vigilant body para magtanod sa isasagawang mga appointments. Walang dapat makalusot na magiging rubber stamp ng admi­nis­trasyon. Naranasan na natin ang mga panahong kontro­lado ng adminis­tras­yon ang lahat ng institusyon      ng pamahalaan pati na ang batasan, militar at mga hu­kuman. Ayaw na nating mangyari uli ito dahil pina­pahalagahan natin ang umi­iral na demokras­ya.

Pero dapat mag-isip-isip ang administrasyon kung totoo man na may ganyan itong balak. 

Malagim na scenario ang ating nakikinita. Tiyak, mag-aaklas ang taumba­yan.

Show comments