^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagkumpiska sa mga illegal na paputok, paigtingin sana

-

TAUN-TAON, sinasabi ng Philippine National Police (PNP) na paiigtingin nila ang pagkumpiska sa mga illegal at delikadong paputok na ibinibenta sa kalye. Naglalabas din sila ng mga listahan ng mga bawal na paputok. Sabi ng PNP hindi sila mangingimi sa pag-raid sa mga tindahan na may mga illegal at delikadong paputok. Ito ayon sa PNP ay para masi­guro na hindi makakabili ang mamamayan ng mga paputok na delikado. Karaniwan nang ang mga papu­tok na tinda sa kalye ay walang kalidad kaya kapaha­makan ang kinahahantungan ng mga nagpapaputok. Marami nang naputulan ng daliri, nabulag, nalapnos ang mukha at katawan at higit sa lahat nagdudulot ng sunog na tumupok sa maraming ari-arian.

Ngayon ay panibagong babala na naman ang sinabi ng PNP sa mga magtitinda ng illegal na papu­tok, hindi sila titigil hangga’t hindi nakukumpiska ang mga ito. Inilabas ng PNP ang listahan ng mga bawal na paputok at ito ay ang mga sumusunod: Atomic Bomb, Bawang (malaki), Giant Whistle, Judas Belt (malaki), Kwiton, Lolo Thunder, Og, Plapla at Watusi. Ang mga paputok na ito ay lubhang delikado at maa­aring mapahamak ang masabugan.

Subalit ang babala ng PNP ay tila naman hindi nakapagdulot ng nerbiyos sa mga pasaway na store owner at vendor na lalo pang inilaladlad ang kanilang mga paputok na karamihan ay ang mga illegal. Tila ba ang babala ng PNP ay nagdaan lang sa kanang taynga at walang anumang lumabas sa kabila. Naiisip siguro nila na maaaring “lagyan” ang mga pulis sakali man at sila’y mahuli. Makakaya nilang lusutan dahil “pera-pera” lang ang lakad ng mga parak.

Kaya hindi nakapagtataka na sa kabila na pinag­babawal ang mga paputok ay bakit marami pa rin ang nakabibili nito. Bakit patuloy ang pagpapaputok sa mga kalsada ng mga bawal na plapla, Judas Belt at Atomic Bomb? Nakalulusot sa mga pulis o hinahayaan dahil nga mayroong lagay. Hindi sana pawang babala lang at pananakot ang PNP sa panahong ito. Aksiyon ang kailangan para ang mga delikadong paputok ay hindi mapasakamay ng mamamayan na magdudulot naman ng kapaha­makan. Mas magandang makita na sa January 1, 2009 ay buo pa ang mga daliri.

vuukle comment

ATOMIC BOMB

GIANT WHISTLE

JUDAS BELT

LOLO THUNDER

PAPUTOK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with