^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa paputok

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGBABALA ang mga ahensiya ng government of the Philippines my Philippines sa mga malalakas na paputok sa pasasabugin bukas dahil hindi ito biro.

Sabi nga, nakakamatay!

Sana ingatan ng mga dear parent ang kani­lang mga anak regarding sa mga nakakalason na paputok at siempre ang watusi na nakaka­lason naman kung ito ay isusubo ng mga inosen­teng children.

Nakahanda naman ang Department of Health sa mga mangyayari sa pagsalubong sa bagong taon kaya ang mga hospital ay naka-red alert hindi lang ang Philippine National Police.

Hinuhuli ng mga kapulisan ang mga malala­kas na paputok dahil nga delikado ito.

Para sa madlang people na mag-papaputok ingat kayo huwag ninyong sayangin ang inyong mga kamay.

Sabi nga, para hindi maging malungkot ang year 2009 sa inyo.

Happy New Year to all!

Mukhang uso ang barugan blues

ISANG waswit ang binugbog ng watot nitong Japanese national kaya naman nagsumbong ang bebot sa Bureau of Immigration na mabilis inaksyunan ang reklamo.

Sabi nga, kawawa naman!

Sinabi ni BI Commission Marcelino Libanan, na kakasuhan nila ang Japanese sa ginawa umano nitong pangbubugbog sa kanyang esmi.

Ika nga, kasuhan umaatikabo.

Sa kabilang dako, nagkaroon ng kaguluhan sa isang golf course na kinasasangkutan ng anak daw ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan versus mga civilian.

Hindi nagkaintindihan ang dalawang panig kaya nagkaroon ng hindi magandang pangyayari.

Pinaiimbestighan naman ng Department of Justice ang nasabing gulo.

Abangan

Hindi nagbibiro si Verzosa

NAGBABALA si PNP Chief Jesus Verzosa sa lahat ng mga kriminal at maging mga foolish cop na magbago habang may panahon pa dahil may kalalagyan sila.

Sabi nga, REFORM or PERISH!

Hindi nagbibiro si Verzosa sa mga kriminal dahil mga inosenteng nilalang ni Lord ang mga nagiging biktima ng kanilang kawalang­ hiyaan.

Ang payo ng mga kuwago ng ORA MISMO, magbago na kayo dahil hindi kayo tatantanan ni Bigote sa inyong mga kagaguhan.

Ika nga, huwag ninyo ipilit na makasama kayo sa impierno.

Abangan.

2009 politikahan na

NGAYON 2009 marami na ang pupustura sa mga gustong tumakbo sa 2010 National Election kung mayroon man dahil kailangan na silang mag-prepare sa kanilang ambisyon para sa politics.

Hindi biro ang gagastusin ngayon ng po­litikong gustong pumustura sa kani-kanilang tatakbuhan position kaya naman sangkatutak na ang siraan bago pa lang mag-eleksyon.

Pumili tayo ng mga kandidatong mapag­kakatiwalaan ng madlang people na iluluklok sa malakanin este mali Malacañang pala.

Sabi nga, huwag na tayong magkamali.

Abangan ang siraan blues ng mga magkaka­laban kandidato.

Sa mga hindi papalarin ‘better luck next time’.

ABANGAN

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF JESUS VERZOSA

COMMISSION MARCELINO LIBANAN

DEPARTMENT OF HEALTH

SABI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with