^

PSN Opinyon

Ang pelikulang Pilipino

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

TANGKILIKIN, suportahan at i-enjoy natin ang peliku-    lang Pilipino.

Ito ang panawagan at paanyaya ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, na chairman din ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Ang industriya ng pelikulang Pilipino ang nagbibigay sa atin ng mga de-kalidad na pelikulang nakaaaliw, makabuluhan at sumasalamin sa ating buhay at lipunan, at isa rin sa pangunahing nagtataguyod ng trabaho ng ating mga kababayan at ekonomiya.

Ito rin ang mensahe ng 34th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon, kung saan ay napakaga-     ganda ng mga kalahok na pelikula.

Si Jinggoy, na isang napakasipag na mambabatas at isa ring batikang aktor, ay bida sa pelikulang “Mag­kaibi­gan” kasama ang kapwa mga premyadong artistang sina Christopher de Leon, Dawn Zulueta at Maricel Laxa, sa direksyon ni Jose Javier Reyes sa ilalim ng Millenium Films.

Ang “Magkaibigan,” na itinuturing na “tribute” sa puma­naw  na matalik na kaibigan ni Jinggoy na si Rudy Fernan­dez, ay naglalarawan ng mga karanasan at pagma­mahalan ng tunay na magkakaibigan. Ginawaran ito ng Cinema Evaluation Board ng pinakamataas na gradong “A” dahil sa “excellence in filmmaking.”

Ang MMFF ay nagsimula nitong Disyembre 25, 2008, magkakaroon ng “Awards Night” ngayong Dis­yembre      27, at magtatapos sa Enero 7, 2009.

Si Jinggoy ay lubos na nagpapasalamat sa mga na­nood, nakisaya at sumuporta sa kanilang “Parade of Stars” na ginanap sa pangu­nguna ni veteran actress Boots Anson-Roa, na nagsisilbing MMFF executive committee member.

Nakatutuwa ang ibi­nahaging alaala ni Boots tungkol sa kau­na-una­hang MMFF Parade of Stars kung saan ay ka­lahok ang peliku­lang “Ang Agila at ang Araw” na pinagtam­pukan nila   ni Pre­si­den­te Joseph Estrada at Fernando Poe Jr. Sabi ni Boots, ang pa­rada noon ay sinabayan din ng ulan tulad ng na­ging parada ngayon. Pero siyempre, tuloy ang parada at tuloy din ang saya.

Halina’t panoorin ang “Magkaibigan,” gayundin ang iba pang kalahok sa MMFF, at ang lahat ng mga peli­kulang Pilipino.

vuukle comment

ANG AGILA

AWARDS NIGHT

BOOTS ANSON-ROA

PARADE OF STARS

PILIPINO

SHY

SI JINGGOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with