^

PSN Opinyon

'Short sighted vision'

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

SUNOD sa I am sorry speech ni Cory, pinakamarami       ang komentaryo sa isyung pagbalik ng wikang Ingles bi-lang medium of instruction sa bansa. Kudos kay Valen-zuela Congressman Magtanggol Gunigundo sa kanyang maprinsipyong posisyon sa ngalan ng bilingual o multi-    lingual approach sa pagtuturo. Kailangang mabisita ng lipunan ang lahat ng argumento laban at panig sa Ingles upang mabigyang wastong gabay ang ating mga kina­tawan. Salamat sa mga nagpanukala at mapapag-usapan ito muli ng bansa.

Sa matataas na baitang ng negosyo, industriya at pama­halaan, masigasig ang Pro-English movement. Kailangang makipagsabayan tayo –- lalo na’t krisis sa ekonomiya ng mundo -– at kayaning makipagkumpitensiya sa mga tra­bahong unti-unting nawawala. Tiyak ginugunita ng may akdang si Cong. Eduardo Gullas ang mga maligayang araw kung kailan ang Pilipinas ang natatanging bansa sa Asya na may English Speaking workforce. Siyempre, nakalalamang tayo kapag ang hanap ng mga imbestor o employer ay ang magagaling sa Ingles.

Ang problema’y hindi na maibabalik ang kahapon. Saan ka man tumingin ay magaling na sa Ingles ang ating mga kapitbahay. Balikan man natin ang English only policy, malayo nang mabawi natin ang korona sa mga bansang dating talunan. At hindi nila kinailangan ang English only policy para matuto: Ginawang hiwalay na kurso ang Ingles at ito’y pinag-aralan tulad din ng ibang mga subject.

Tama si Cong. Gunigundo na anti-education at anti-poor ang panukala dahil pihadong mahihirapan ang mga anak ng mahihirap sa wikang hindi naman nila sarili. Makitid ngang pananaw ang maghangad na gumaling sa Ingles upang makipagsabayan sa pag-akit ng mga BPO o call centers. Kaybigat na matrikula ang wasaking lalo ang ating basic education para sa pribilehiyong matawag na top call center country!

Upang mapabuti ang sitwasyon ng edukas­yon, nakaaakit nga ang usaping English proficiency. Pero malalim at pangkalahatan ang kai­langang solusyon. Ma­gandang umpisa ang pa­nukala ng Presidential Task Force on Education na: (1) mandatory pre-school bago mag-Grade 1; (2) compulsory aptitude tests para sa high school graduates na papasok sa college; (3) at least five years college education; at (4) hiring teachers with mas­ter’s degree for state colleges and universities.

CONG. MAGTANGGOL       GUNIGUNDO          GRADE:             93

CONG. EDUARDO                  GULLAS                   GRADE:           86

ASYA

BALIKAN

CONGRESSMAN MAGTANGGOL GUNIGUNDO

EDUARDO GULLAS

ENGLISH SPEAKING

KAILANGANG

PRESIDENTIAL TASK FORCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with