^

PSN Opinyon

Para sa DMCI, hindi kami titigil sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

TUMANGGI sa paanyaya o hamon ng BITAG ang pa­munuan ng DMCI Mining Corporation na mag-guest sa aking programang BITAG Live upang mapag-usapan ang reklamo ng Bgy. Bolitok laban sa kanila.

Nagawa naming makausap ang presidente ng DMCI na si Cesar Simbulan Jr. kung saan ikinagagalit pa nito na naistorbo ko raw siya sa kanyang pagkain ng alas-dos nitong nagdaang Huwebes.

Gagawin na lamang daw nila ang legal na aksiyon o magsasampa ng kasong libelo laban sa BITAG.

Sa espasyong ito, uulit-ulitin ng BITAG na hindi kami natatakot. Bilang imbestigador ng media ay tungkulin naming ipakita sa mamamayan ang katotohanan.

Tungkulin naming tumugon sa reklamo at sumbong ninuman lalo na’t maraming tao ang apektado maging ang kalikasan.

Katotohanan na sa tingin ng DMCI ay paninira raw ng BITAG laban sa kanilang kompanya.

Kailanman, hindi namin ginamit ang aming programa para manira ng negosyo, kompanya man o indibidwal.

Inilalantad namin ang mga totoong pangyayari na hindi nakikita nang marami dahil ang ilegal na gawain ay naku­kubli. Madalas ang ahensiya o tanggapang otoridad ang kasabwat sa pagtatago nito.

Hangga’t hindi naipapakita ng Department of Envi-ronment and Natural Resources Region III ang inisyu raw nilang Environment Compliance Certificate sa DMCI para patagin ang bundok sa Bolitok, Zambales…

Hangga’t hindi sumasagot ang DMCI sa katanungan ng BITAG at ng mga resi­dente kung bakit Cafgu ang gamit nilang guwardiya sa kanilang area na naging dahilan ng pag­kalat ng takot sa mama­ma­yan ng Brgy. Bolitok…

Hangga’t hindi malinaw kung bakit ang land survey ng nagrereklamong si Engr. Lazaro ang land 3566 at land 3600 ay lupa habang sa land survey ni Engr. Cle­rigo ay lubog daw ito sa dagat…

Hangga’t hindi pa suma­sagot ang tanggapan ni Secretary Lito Atienza sa isyung ito…

HINDI titigil ang BI-TAG. Patuloy naming tu­tutukan ang kasong ito dahil ka­ilangang managot ang mga tiwali at nasa likod ng pro­blemang ito.

BOLITOK

CESAR SIMBULAN JR.

DEPARTMENT OF ENVI

ENVIRONMENT COMPLIANCE CERTIFICATE

HANGGA

MINING CORPORATION

NATURAL RESOURCES REGION

SECRETARY LITO ATIENZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with