^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ombudsman dapat magpakita ng sigasig versus katiwalian

-

TALAMAK ang katiwalian sa mga sangay ng gob­yerno at alam ito ng Office of the Ombudsman. Suba­ lit tila mapurol ang ngipin ng Ombudsman (o walang ngipin) para lubusang maputol ang pamama­yani ng mga magnanakaw sa pamahalaan. Tila ang inaasahan ng mamamayan na maraming kawatan ang masusugba sa kulungan ay isa na lamang pa­na­­gi­nip sa kasalukuyan. Maraming batikos na nati­tikman ang Office of the Ombudsman hinggil sa kahinaan nang paglupig sa mga gumagawa ng katiwalian.

Pero mabilis namang magpaliwanag ang Ombudsman at sinabing marami nang kaso ng katiwa­lian ang kanilang nalutas. Ayon kay Ombudsman Merceditas Gutie­r­rez, 16,000 kaso ng katiwalian na ang kanilang nalutas. Dati raw, 21,000 kaso ng graft and corruption ang naka-file sa kanilang tanggapan mula noong December 2005 na ilagay siya sa puwesto. Ayon kay Gutie­rrez, sobra na talaga ang katiwalian ngayon sa lahat ng level ng gobyerno at maging sa lipunan. Nararapat daw magkaisa ang lahat para malabanan ang corruption.

Tama ang Ombudsman na para malabanan ang corruption ay dapat magtulung-tulong ang lahat ng sector. Pero dapat sa kanila mag-uumpisa ang lahat para naman magkaroon ng lakas ang taumbayan na isumbong ang mga nangyayaring katiwalian. Dapat magpakita ang Office of the Ombudsman nang seryosong paglupig sa mga corrupt. Dapat ipakita ng Ombudsman na kahit mga malalaking “buwaya” ay kaya nilang lambatin. Ipakita na wala silang kina­tata­kutan. Kung pawang mga “butiki” ang kayang bitagin ng Ombudsman, paano magkaka­roon ng lakas ng loob ang mamamayan na ibulgar ang mga magnanakaw sa gobyerno. Hindi magkakaroon ng inspirasyon ang mamamayan na tumulong kung ang Ombudsman ay may kinatatakutan at tila merong kiniki­lingan. Kung hindi makakaya ng Ombudsman na magpa­kita ng seryosong paglaban sa mga kawatan sa pamaha­laan, huwag na lang ibando ang mga sinasabing nalutas na kaso ng katiwalian. Ma­hirap mapaniwala ang taumba­yan ngayong pana­hon. Marami na ang namulat sa inaak­to ng mga lingkod-bayan na pawang ningas-kugon lamang.

Ano ang nangyari sa kaso ni dating Justice secretary Nani Perez? Ano ang nangyari sa Mega-Pacific na kinontrata ng Comelec para sa computerization? Ano ang nangyari sa overpriced na poste ng ilaw sa Cebu? At mayroon bang ginagawa ang Ombudsman sa kaso ni dating Agriculture under­secretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante na ngayon ay Senado ang nagtatrabaho. Tila malamig ang Ombudsman sa kaso ni Bolante.

Umaasa ang mamamayan sa tungkulin ng Ombudsman na wakasan ang ginagawang katiwalian ng mga taong gobyerno. Hindi sana biguin ng Ombudsman ang inaasahan ng mamamayan na mabubuwag ang talamak na katiwalian.

ANO

AYON

BOLANTE

DAPAT

KASO

KATIWALIAN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with