SA isa sa mga pagpupulong ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ni Saudi Arabia Ambassador to the Philippines Muhammad Amin Wali ay napag-usapan nila ang pangangailangan para sa budget flights o abot-kayang pamasahe sa eroplano ng OFWs patungong Saudi.
Ang paghahanap ng iba’t ibang pantulong sa OFWs ay isa sa mga isinusulong ni Jinggoy, na chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.
Tama ang obserbasyon ni Ambassador Wali na karamihan sa mga manggagawang Pinoy na nagtutu- ngo sa Saudi Arabia ay namumroblema sa malaking gastos sa plane ticket, pati na rin sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas tuwing bakasyon.
Hiniling ni Wali kay Jinggoy na ipursige ang muling pagbubukas ng flights sa pagitan ng Pilipinas at Riyadh, laluna ang abot-kayang pamasahe sa eroplano.
Isang magandang development ang paglulunsad ng Spirit of Manila, isang bago at Pilipino-owned airline company na may budget flights mula Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Special Economic Zone.
Ayon kay Mr. Eric Apolonio, corporate communications head ng Spirit, sa mga susunod na buwan ay mag bubukas na sila ng biyahe sa Middle East.
Sa simula aniya ay sa Macau muna ang bubuksan nilang biyahe sa Enero, kasunod ang Taipei, at isusunod na ang mga biyahe sa Middle East. Ang flight services ay inaprubahan ng Civil Aeronautics Board (CAB) noong Nobyembre.