^

PSN Opinyon

Abot-kayang pamasahe sa eroplano ng OFWs patungong KSA

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

SA isa sa mga pagpupulong ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ni Saudi Arabia Ambassador to the Philippines Muhammad Amin Wali ay napag-usapan nila ang pangangailangan para sa budget flights o abot-kayang pamasahe sa eroplano ng OFWs patungong Saudi.

Ang paghahanap ng iba’t ibang pantulong sa OFWs ay isa sa mga isinusulong ni Jinggoy, na chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Tama ang obserbasyon ni Ambassador Wali na karamihan sa mga manggagawang Pinoy na nagtutu-   ngo sa Saudi Arabia ay namumroblema sa malaking gastos sa plane ticket, pati na rin sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas tuwing bakasyon.

Hiniling ni Wali kay Jinggoy na ipursige ang muling pagbubukas ng flights sa pagitan ng Pilipinas at Riyadh, laluna ang abot-kayang pamasahe sa eroplano.

Isang magandang development ang paglulunsad ng Spirit of Manila, isang bago at Pilipino-owned airline company na may budget flights mula Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Special Economic Zone.

Ayon kay Mr. Eric Apolonio, corporate communications head ng Spirit, sa mga susunod na buwan ay mag­ bubukas na sila ng biyahe sa Middle East.

Sa simula aniya ay sa Macau muna ang bubuksan nilang biyahe sa Enero, kasunod ang Taipei, at isusunod na ang mga biyahe sa Middle East. Ang flight services ay inaprubahan ng Civil Aeronautics Board (CAB) noong Nobyembre.

vuukle comment

AMBASSADOR WALI

CIVIL AERONAUTICS BOARD

CLARK SPECIAL ECONOMIC ZONE

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

JOINT CONGRESSIONAL

LABOR AND EMPLOYMENT

MIDDLE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with