P200-M lugi sa Philpost taun-taon

SISIYASATIN daw ng Senado ang pag-abuso ng mga opisyal ng Malacañang at maging ng mga mambabatas sa franking privilege. Ito ang pribilehiyo ng mga opisyal ng pamahalaan na magpadala ng sulat nang libre o walang binabayarang selyo.

Kasi, umaabot daw sa P200-milyon ang nalulugi sa Philpost dahil sa ganyang pang-aabuso. Sabi nga ni Postmaster General Hector Villanueva, kailangang itigil ang practice na ito kung ayaw nating tuluyang mabangka-   rote ang post office.

Saan lang ba puwedeng gamitin ang ganyang pribi­lehiyo? Ito ay for official use only. Kung nakikipagta­las­tasan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ka­ ugnay ng mga bagay na may kinalaman sa opisyal na gawain.

Kailan naman naaabuso ang pribilehiyong ito? Ay naku madalas, lalu na kapag malapit na ang eleksyon. ito ay ginagawa ng mga politikong may posisyon sa gobyerno para ipadala ang kanilang mga “praise releases” sa iba-ibang media entity. Personal na iyan at hindi opisyal!

Nagharap na si Sen. Miriam Santiago ng Senate Resolution 799 para busisiin ang anomalyang ito. Kaso lang, baka sa loob mismo ng Senado ay may mga maiturong gumagawa ng ganyang katiwalian, lalu na kapag election season. Okay lang kung ang mga ipinadadalang press release ay pagpapaliwanag sa mga batas na inaakda nila o kaya’y sagot sa mga balidong isyu. Pero kung ito’y mga “papogi” praise releases o kaya’y mga litratong ipinakikitang gumagawa sila ng charitable work, ibang usapan iyan.

 Ayon kay Villanueva, dapat magbayad ng postage, handling at delivery ang mga opisyal ng gobyer­no dahil ang Philpost ay isang government-owned and controlled corporation at isang income-generating agency na umaasa lamang sa kanilang income para magpatuloy ang operasyon.

 Dahil umano sa tina­tawag na ‘franking privileges’’, umaabot sa P150M hanggang P200M ang na­wawala sa Philpost.

 Ayon sa resolusyon ni Santiago, dapat lamang i-waive na ng mga opisyal ng gob­yerno ang kanilang pribi­lehiyo na libreng maka-     pa­gpadala ng mga sulat     at isa­ma na lamang sa ka­nilang budget ang postage at handling costs.

 Samantala, sinabi na-man ni Assistant Postmaster General for Administration Luis Carlos na hindi sakop ng franking privile-ges ang pagpapadala ng mga materials para sa ‘pulitika’ o ‘pangangam­pan­ya’ at ito ang unang pag­kakataon na isiniwalat ito   ng Postmaster General.

Kung papansinin, may nakatatak sa mga official mail envelopes na: “Penalty for private use to avoid payment of postage, P500.” Ang mura naman! Dapat mara­hil ay bigatan ang parusa.

 Okay ang imbestigas­yon huwag lang hahadla­ngan ng mga mambabatas na posibleng umaabuso     sa pribilehiyong ito.

Show comments