EDITORYAL - Wala munang tulong hangga't me corruption

MATINDI ang babala ng US Millenium Challenge Corp. (MCC) sa Pilipinas: Hindi pagkakalooban ng economic assistance hangga’t hindi nadudurog ang corruption. Bago bigyan ng panibagong tulong kailangang maipakita ng gobyerno ng Pilipinas ang seryosong paglaban sa corruption na tinawag nilang “evil”. Kailangan itodo ng gobyerno ang ka­nilang effort sa paglaban sa corruption bago mabig­yan ng tulong. Hangga’t walang nakikitang effort, walang tulong.

Tama lamang ang ganitong patakaran ng MCC sa mga bansang sagad na sagad na ang corruption pero wala namang ginagawang paraan ang gob­yerno para maputol ang masamang gawain. Kung hindi maghihigpit ang MCC, patuloy lamang na na­ na­nakawin ang kanilang ibibigay na tulong at balewala lamang ang kanilang adhikain na ma­iangat ang mga mahihirap na bansa na kinabi­bilangan ng Pilipinas. Dapat noon pa naghigpit ang MCC sa pagbi­bigay ng tulong sa Pilipinas para naman nag­ka­roon ng lakas na gumawa ng hakbang para malutas ang talamak na corruption sa bansa.

Mabuti pa ang Indonesia, Colombia, Zambia, Jordan­, Malawi, Moldova at Senegal at muling napili ng MCC para bigyan ng tulong pinansiyal. Naipakita umano ng mga nabanggit na bansa ang kanilang pagsisikap na malutas ang problema nila sa corruption. Ang kanilang pagsisikap ay nakita ng MCC kaya patuloy ang pagbibigay ng tulong.

Para maging eligible ang isang bansa na ma­bigyan ng tulong ng MCC dapat ipamalas ang ka­nilang commitment sa pagpo-promote ng political at economic freedom, investments sa edukas­yon at kalusugan, pagkontrol sa corruption at ang pag­res­peto sa civil liberties. Kapag mababa ang per­­formance sa mga nabanggit, hindi makatatang­gap ng tulong ang bansa.

Hindi makatatanggap ng tulong ang Pilipinas sapagkat mababa ang nakuhang grado. Ayon sa report para sa Fiscal Year 2009, ang nakuhang grado para sa pagkontrol ng corruption ay 47 percent; sa kalusugan, 19 percent; at edukasyon, 32 percent. Bagsak talaga ang Pilipinas!

Corruption ang dahilan kaya walang tulong. Panahon na para kumilos ang gobyernong ito na ma­sawata ang corruption. Kailangan na ang kamay na bakal para maputol ang garapalang nakawan sa mga tanggapan ng gobyerno. Patayin ang mga buwaya!

Show comments