^

PSN Opinyon

Media men inuubos na

- Al G. Pedroche -

KAHAPON ay ipinagdiwang ng buong daigdig ang International Human Rights Day. Masarap pakinggan sa tenga na ipinagdiriwang ang ganitong araw bilang pagrespeto sa karapatang pantao. Pero sa realidad, nakapanghihi­lakbot ang kaso ng mga pinapatay na militanteng leader at mga media practitioners lalu na dito sa sarili nating bansa.

Sa nakaraang ilang araw lang, dalawang media practitioners ang itinumba sa Kabisayaan at Bicolandia. Sinundan pa ito ng pagkakapaslang kamakailan kay Leo­nillo Muriel, isang kolumnista at photographer sa Cu-bao, Quezon City. Parang mamera na ngayon ang gani­tong mga istorya. Ibig sabihin, pangkaraniwang na­gaganap.

Tila ito na ang pinakamadali at epektibong pagpigil sa mga mamamahayag na punahin at batikusin ang mga kabulukan sa gobyerno at sa lipunan.

Magastos nga naman at maabala kung magpa-file pa ng libel case na kadalasan naman ay nadi-dismiss lang. Magbabayad pa ng malaking halagang filing fee bukod pa sa abogado pero talo rin! Kapag pinatay nga naman ang mga hard-hitting newsmen, tiyak may mga matatakot nang bumanat. Iyan ang akala nila. Mayroong mga nababahag ang buntot siguro pero mas marami pa rin ang matatapang na walang takot itaya ang buhay    para sa sinumpaang tungkuling magsilbing tenga, mata at boses ng taumbayan.

Umapela kamakalawa sa pamahalaan ang Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ) na resolbahin na ang mga nakabitin pang kaso ng media killings na hangga ngayo’y wala pa ring kali­wanagan. Sa administras­yong Arroyo lamang, uma­abot na sa bilang na 39 ang mga mamamahayag na napas­lang.

Wala naman marahil ki­nalaman ang adminis­tras­yon sa mga kasong ito pero siyempre, ito ang ma­bu­bun­tunan ng sisi. Kaya tama ang FFFJ. Kung ibig pa­tu­nayan ng gobyerno na wala itong kinalaman sa lumu­lubhang media killings, dapat umak­ syon ito. Ngayon na!

BICOLANDIA

FILIPINO JOURNALISTS

FREEDOM FUND

IBIG

IYAN

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with