^

PSN Opinyon

Computerization program ng LTO, palpak!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGING palaisdaan este mali palaisipan pala sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang imported HUMMER vehicle na may plate number ZXT 575 dahil alaws itong record sa computer system ng Central Office ng Land Transporation Office ng ipa-verify ito sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa nasabing tanggalan este mali tanggapan pala at ang nakakagulat pa may plakang numbero 8 ang mamahaling sasakyan.

Ang mga sasakyan may nakakabit na plakang numero 8 ay ginagamit lamang ng mga kongresista sa Kamara.

Sabi nga, sa kanila lamang mga kongresista naka-assign ang numerong ito!

Ika nga, wala ng iba.

Kaya naman nakakabigla ang pangyayari ng malaman ng mga kuwago ng ORA MISMO, na alaws record ito sa LTO Central Office. Saan ito narehistro?

Computerized ang LTO at hindi lang sa central office kundi sa buong kapulungan este kapuluan pala.

Hindi natin binabatikos ang owner ng HUMMER kaya lang nakakagulat kasi ito ng pumarada sa isang bagong gawang commercial center dyan malapit sa isang television station sa kyusi porke ang driver ay isang teenager at mukhang anak yata ng isang maimpluwensiyang nilalang sa Republic of the Philippines.

Bakit number 8 ang plate number ng SUV? 

Hindi ba gamit lamang ito ng mga kongresista at ang plate na ito ay hindi puedeng gamitin ng sinuman maliban sa mambubutas este mali mambabatas pala.

Matatandaan nagkaroon ng matinding kontrobersyal ang plakang 8 na nakakabit sa mga sasakyan ng mga kontrabida este mali kongresista pala dahil nasangkot sa disgrasiya ang manugang ni Caloocan City Rep. Oscar Malapitan ng mabundol at mapatay ng manugang niya ang isang sekyu dyan sa mall sa kyusi.

Tanong — authorized ba ang manugang ni Congressman na gamitan ang kotse niya?

Sagot - hindi!

‘Ano na ang nangyari dito?’

‘Kamote, iyan ang ipasagot mo sa kanila!’

* * *

Trabaho sa madlang people ang kailangan ni Arreza

MATINDI ang critics ni SBMA Administrator Arman Arreza dahil panay ang tira nito sa kanya porke gusto ng kontrabida na sirain ang kredibilidad, pagkatao at dignidad ng una dyan sa Subic.

Sabi nga, para masibak sa puesto!

Walang kakuenta-kuentang mga isyu ang ibinabato kay Arreza ng kanyang critics kesyo gusto daw ng una na putulin ang mga emdagered at century old trees dyan sa SBMA kung saan itatayo ang multi - million dollar project.

Ang hindi alam ng critics ni Arreza ay ‘ENVIRONMENT-FRIENDLY’ ang ating bida at ang isyung ibinabato dito na pugot este mali putol puno pala ay walang katotohanan.

HIndi puedeng paputol ni Arreza ang mga puno sa lugar na pagtatayuan ng Ocean 9, isang casino hotel dyan sa Subic dahil ang gustong mangyari ng ating bida ay bunutin ito at ilipat lamang sa isang magandang lugar.

Ang isa pa niyang gustong ipangako ng mga investor sa multi-million project sa may 2 hectares na lupain na paglalagyan ng 6-star hotel at casino ay huwag galawin ang puno kung hindi ito magiging sagabal para sa kanila at kung may problema ay bunutin na lamang ito at ilagay sa isang magandang place.

Ika nga, kung ayaw ng investors ‘dead’ang usapan blues.

Ibinida ni Arreza sa mga kuwago ng ORA MISMO, kahit na may recession sa aboard este mali abroad pala sila sa SBMA ang nilalapitan ng mga investor para tulungan ang madlang people ng Philippines my Philippines.

‘Kamote, anong say ninyo dito?’

ADMINISTRATOR ARMAN ARREZA

ARREZA

CALOOCAN CITY REP

CENTRAL OFFICE

IKA

ISANG

KAMOTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with