Manlolokong may-ari ng Cellpawnshop, arestado!
NATULDUKAN na ang panloloko ng tinaguriang notoryus na panloloko ng kompanyang D’1st Cellpawnshop. Sa dami at garapalang panloloko ng kompanyang ito, sino ang makakalimot sa kanila.
Sa isang pahayagan, iniulat na sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 76, inaresto si Eugene Co alyas Eugene Ibañez, ang nagmamay-ari ng D’ 1st Cellpawnshop.
Siya ang nasa likod ng mapanlinlang na investment scam na nang-aakit ng investors sa pangakong mataas na interest. Kaya naman tinagurian si Ibañez na Chinoy Scam Artist.
Hindi lamang pala maliliit na investors ang nabiktima ng kolokoy na ‘to, maging mga kilalang personalidad at malalaking negosyante ay nahulog sa kanyang patibong.
Isa sa kanyang estilo upang makapambiktima ng investors ay paglalagay ng advertisement sa mga business magazine, tabloids at iba pa.
Hinihikayat nito na oras na mag-invest sa Cellpawnshop ay magkakaroon ng anim hanggang pitong porsiyentong monthly interest sa perang ipapasok ng investor.
Ang siste, walang permiso o lisensiya ang Cellpawnshop sa Securities and Exchange Commission (SEC) na magnegosyo ng investment. Kasabay nito ang pagkakaroon nang maraming violation sa batas ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) bilang isang pawnshop.
Matagal-tagal ding tinutukan ng BITAG ang kasong ito hanggang masiguro namin na matuldukan ang panloloko ng Cellpawnshop, sa pagpapasarado sa kanila ng SEC at BSP.
Subalit ang tutulog-tulog na pamunuan ng BSP, hanggang ngakngak pa rin. Matatandaang ipinagdamot pa nila ang kopya ng memorandum na ipinamigay daw nila sa mga lokal na opisi na ng pamahalaan upang tulu yang maipasara ang mga outlet ng Cellpawnshop.
Maaaring naipasara man sa ngayon ang mga outlet nito, at nahuli ang taong nasa likod ng panloloko at panlilinlang ng Cellpawnshop, hindi pa tapos ang BITAG.
Hindi pa kami kuntento sa balitang ito, gagawin pa namin ang aming trabaho bilang imbestigador ng media. Abangan!
- Latest
- Trending