Tipus
NOONG nakaraang linggo, maraming residente sa Real, Quezon ang apektado ng typhoid fever o ng tipus. Ayon sa Department of Health, nakontamina ang tubig na inumin ng mga taga-Real. Sa ipinakitang video ng TV Patrol, kakatwang sumasalok ng inuming tubig sa bukal ang isang residente habang nakababad naman ang paa ng isa pang tao sa tubig. Nahaluan ng dumi o bacteria ang tubig na kanilang inumin.
Sintomas ng tipus: Pananakit ng ulo, kasu-kasuan, tiyan, lalamunan (sore throat) at pagdurugo ng ilong. Makararanas din ng pagkauhaw, pagtatae na may kahalong dugo at pagkakaroon ng pink rash of rose spots sa tiyan at dibdib.
Dahilan ng tipus: Kagagawan ng bacterium ang tipus kung saan nananahan ito sa tubig na marumi o may inadequate disposal of sewage. Kapag nainom ang tubig na may bacterium magsisimula na ang atake ng tipus. Depende sa dami ng organisms na nalunok kung gaano kabilis lumabas ang sintomas. Kadalasan, may mga carrier na ng tipus pero walang makita sa kanilang sintomas. Ang iba ay mild lamang ang atake kaya ipinagkakamali na gastroenteritis ang tumama sa kanila.
Gaano kabigat ang problemang dulot ng tipus? Kapag sobra na ang taas ng lagnat ng may tipus, manghihina siya at halos hindi makabangon. Isang delikadong mangyari ay ang paghina ng tibok ng puso. Maaaring magkaroon din ng anemia, enlargement ng spleen, blood changes at pagkakaroon ng protein sa urine. Ang iba pang kumplikasyon ay ang pneumonia, acute hepatitis, cholecystitis, meningitis, tissue abscesses, endocarditis at kidney inflammation. Ang mga kum-plikasyong ito ay maaaring ikamatay.
Paano ang treatment sa tipus? Ang pagbibigay ng antibiotics ang nararapat sa may tipus. Ang antibiotics na maaaring ibigay ay ang chlorampenicol, ampicillin, ceftriaxone at cefoperazone.
Paano maiiwasan ang tipus? Proper hygiene o kalinisan ang kailangan para hindi kumalat ang tipus. Magsabon at maghugas na mabuti ng kamay pagkatapos dumumi. Dapat ma-sterilized ang clo thing and beddings ng pasyente. Kailangang mag pakuna laban sa tipus. Dapat na magpahingang mabuti ang pasyente upang madaling makarekober sa tipus.
- Latest
- Trending