^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Polluted na hangin at kontaminadong tubig

-

ABALA ang mga mambabatas ngayon sa im­bestigasyong may kinalaman sa corruption — fertilizer fund scam at “euro generals”. Walang na­ka­aalam kung hanggang saan aabot ito. Ang iba pang mga sangay ng gobyerno kagaya ng Department of Transportation, Land Transportation Of-    fice at LandTransport Franchising and Regulato-ry Board ay abala naman sa mga kaskaserong bus dahil sa mga madudugong aksidente.

At tila wala nang nakakapansin sa maruming hangin at tubig na ngayon ay banta sa kalusugan ng mamamayan. Nakatutok ang DOTC, LTFRB at LTO at maging ang MMDA sa mga kaskaserong bus pero hindi nila binibigyang pansin ang maitim at may lasong usok na ibinubuga ng mga pampaherong bus.

Grabe na ang air pollution sa Metro Manila at ang mga kakarag-karag na sasakyan ang pangunahing dahilan ng problemang ito. Nawalan ng silbi ang Clean Air Act of 1999 dahil hindi na naipatutupad ang batas. Sa ilalim ng Clean Air Act bawal nang ibiyahe ang mga lumang sasakyan, bawal ang paggamit ng incinerators, bawal ang pagsusunog ng mga basura, goma at iba pang bagay na nakasisira sa ozone layer. Ang tanging naipatupad sa ilalim ng batas ay ang paggamit ng unleaded gasoline.

Nasayang lamang ang pagsisikap ng mga taong nagsulong sa Clean Air Act sapagkat hanggang ngayon ang kanilang pinagpagurang batas ay hindi naipatutupad. Marumi ang hangin particular sa   Metro Manila at unti-unting pinapatay ang mga resi­dente. Sa ginawang pag-aaral ng University of the Philippines, maaari raw dumating ang panahon na hindi na matirahan ang Metro Manila dahil sa sobrang dumi ng hangin. Ilang taon na ang nakara­raan, maraming estudyante ng isang eskuwelahan malapit sa EDSA ang nagsuka at nakadama ng pagkahilo. Ang dahilan: Grabeng pollution.

Hindi lamang ang hangin ang marumi kundi pati na rin ang tubig. Kamakalawa, 109 na residente ng Real, Quezon ang nagkatipus. Marumi ang tubig na kanilang ininom na galing umano sa bukal. Umano’y nakontamina ang tubig mula sa dumi at ihi ng tao. Ang bacteria na nagdadala ng tipus ay Salmonella typhi.

Cholera naman ang nanalasa sa siyam na bara­ngay sa Misamis Oriental na ang pinagmulan ay maru­ming tubig at pagkain.

Marumi ang hangin at tubig. Ano ang hakbang ng pamahalaan para malutas ang mga problemang ito? O hindi na nila maasikaso dahil abala sila sa sari-saring isyu na may kinalaman sa corruption. 

CLEAN AIR ACT

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

FRANCHISING AND REGULATO

LAND TRANSPORTATION OF

MARUMI

METRO MANILA

MISAMIS ORIENTAL

SHY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with