^

PSN Opinyon

Cancer sa bayag

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

KAPAG ang lalaki ay may nakapang bukol sa alinman sa dalawa niyang bayag, hindi masakit o wala siyang nararamdaman kapag sinalat, masakit maaaring may malignant tumor na sa bahaging iyon. Isa pa sa sintomas ng cancer ay kapag lumaki ang isa o ang dalawa niyang suso. Lumalaki ang suso ng mga kalalakihan dahil ang tumor ay nagse-secrete ng hormones.

Dahilan ng cancer sa bayag: Isa sa maaring dahilan ng cancer sa bayag ay ang hindi pagbaba ng mga ito (bayag) habang nasa sinapupunan pa ang sanggol o noong nasa fetal development pa lamang. Kahit na operahan pa ang bayag na hindi bumaba mula sa abdomen, magka­karooon pa rin ng bukol at maaaring mas malaki pa kaysa rati.

Bigat ng problema: Ang tumor na nasa mga bayag ay talagang malignant at napakabilis kumalat sa lymp nodes ng tiyan, dibdib, leeg at maging sa baga. Ang tumor ay nagse-secrete ng hormones kaya lumalaki ang suso ng lalaki at nakikita ang iba pang senyales ng feminization. May mga uri ng cancer sa bayag, halimbawa ang seminoma, ay madaling gamutin kapag natuklasang maaga. Ang ganitong tumor ay 85 percent ang survival rate after five years, samantalang ang ibang tumor ay may limang taon na rate – 40 hanggang 70 percent.

Nakahahawa ba ang cancer sa bayag: Hindi.

Paano ang treatment? Surgical removal ang dapat      sa cancer na ito. Tatanggalin ang apektadong bayag ga­nundin ang lymph nodes sa abdomen. Maaaring isailalim sa radiation therapy ang may cancer sa bayag.

Paano maiiwasan ang cancer? Hindi pa alam hang­gang ngayon kung paano maiiwasan ang cancer. Dapat ipa-eksamin habang maaga ang mga bayag para malaman ang kalaga­yan nito, Malaki ang po­sibilidad na makaligtas kapag maagang natuk­lasan ang tumor.

BAYAG

BIGAT

CANCER

DAHILAN

DAPAT

ISA

KAHIT

LUMALAKI

PAANO

TUMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with