^

PSN Opinyon

Barack Obama, 32nd degree, ang US President!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

INILAMPASO ni Barack Obama, ang kauna-unahang itim na kano na nanalong panggulo este mali pangulo pala sa US of A na si John Mccain.

Nang makita ni John na lamang ng malaki sa kanya si Obama ay mabilis na tumawag ito sa huli para batiin ang bagong black President.

Hindi katulad sa Philippines my Philippines ang mga kandidato todits kapag natalo ay umaatungal na nadaya sila.

Sabi nga, crying in the rain.

Sana ang mga pangako ni Obama sa mga kano sa tate ay hindi mapako dahil kung gaganda muli ang kanilang ekonomiya todits tiyak ang madlang people sa Philippines my Philippines ay giginhawa rin ang kabuhayan.

Bretheren, ipagdasal natin si Obama, 32nd degree ASSR of the Prince Hall Lodge of the Grand Lodge of Free and Accepted Masons of Illinois.

JDV impeachment complaint balewala sa Malacañang

HINDI binigyan halaga ng malakanin este mali Malacañang pala ang pinirmahan ni dating House Speaker Jose de Venencia Jr., sa pag-eendorso nito para sa impeachment complaint versus Prez Gloria Macapagal Arroyo.

Sabi nga, tinaasan ng kilay!

Ang reklamo ay nasa Kongreso kaya dapat ang mga kongresista ang mag-desisyon todits para patalsikin si GMA tulad ng nangyari kay JDV ng sipain siya bilang House Speaker at palitan ni Davao Rep. Prospero Nograles.

Maraming kongresista ang may gusto kay Nograles para pumalit kay Joe samantala iilan lang mambubutas este mambabatas pala ang pumabor para kay JDV.

Sabi nga, number game kasi sa Kamara!

Tiwala ang palasyo na dehins malalaglag si GMA porke sangkatutak na kongresista ang kaalyado ng administration.

Ika nga, walang talo.

Sa embahada ng Republic of the Philippines sa US of A nilagdaan ni smokin Joe ito.

Kung bakit sa tate pa nilagdaan para e-endorso ni Joe sa House ang impeachment complaint versus Gloria.

Ano sa palagay mo, bakit?

Baka gustong ipaalam kay Barack Obama? Hehehe!

Iyon lang.

Balik Russia para kay General Jimmy Caringal

NILINAW ng Philippine National Police na dehins nila mapipilipit este mali mapipilit pala para pabalikin si PNP General Jimmy Caringal sa Russia para kuwestiyunin regarding sa Euros pitsa na bitbit ni General Ely dela Paz.

Bakit?

Retirado na kasi si Jimmy sa PNP kaya wala na silang holdings sa Mamang Pulis.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung sila si Jimmy talagang dehins na siya babalik todits baka kasi kung ano na lamang ang pumasok sa isip ng mga Russian at dehins na siya pabalikin todits sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, hindi sila naloloko.

Alaws naman kasing kasalanan si Jimmy regarding sa bitbit ni Ely na Euro money ang tanging participation na todits ay nag-witness lang sa pagbibilang ng pitsa kung magkano ito.

Paano nga naman babalik si Jimmy sa Russian kung alaws naman siyang kasalanan?

Naku ha!

Kinasuhan na rin lang ng PNP si Ely sa Ombudsman kaya siguro dapat hintayin na lamang natin ang graft court sa kanilang imbestigasyon kung guilty or not ang Mamang Pulis.

Sabi nga, huwag natin pangunahan at bigyan ng ‘due process si Ely’ tulad ng ibinibigay ng hukuman sa ibang madlang people na nagkasala.

Isang ordinaryong mamamayan na si Ely at kung may pananagutan ito sa madlang people ng Philippines my Philippines siguro ang korte ang magbibigay ng hatol hindi ang iyong mga bugok na gustong mag-grandstanding sa Republic of the Philippines.

‘Ang mga notorious killer nga binibigyan ng due process bakit sila ayaw tantanan?’ tanong ng kuwagong tuliro.

‘May target ang mga kamote kasi?’ sagot ng kuwagong salawahan.

‘Ano iyon?’

‘Yugyugin si PNP Chief Jess Verzosa’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Bakit ?’

‘Iyan kamote ang itanong mga sa mga critics.’

‘Ano sa palagay mo dapat bang pansinin ang mga tekamots?’

‘Kamote, ikaw lang ang makakasagot niyan.’

ANO

GENERAL JIMMY CARINGAL

KUNG

LSQUO

MAMANG PULIS

PARA

PHILIPPINES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with