^

PSN Opinyon

Bagsakan ng presyo ng diesel sa Lucena

SAPOL - Jarius Bondoc -

PANSININ ninyo ang bakbakan sa presyo ng diesel dito sa Lucena City, paanyaya ng mambabasang si Dr. Louis Limjoco. Kumakalat na ito sa iba pang bayan ng Quezon, patungo sa Kamaynilaan. Mahigit isang buwan na ang lumipas, nagbaba ang may-ari ng “generic diesel station” nang P2.50 kada litro kumpara sa Maynila. Napilitan ding magbaba ang lahat ng gasolinahan sa Lucena, kabilang ang Big Three: Petron, Shell, Chevron. Nang patuloy bu­maba ang presyo sa buong bansa, nanguna ang “generic station” nang P2.50 pa rin kada litro. At patuloy ding napilitang magbaba lahat, pati sa karatig na bayan ng Sariaya, at pagkatapos ay Candelaria, at pati sa San Pablo City sa Laguna, dahil napansin nilang dinudumog ng customer ang mga mas mura.

Dati-rati kabaliktaran, ani Dr. Limjoco. Habang papa­layo sa Maynila at pamahal nang pamahal ang gasolina. Pero ngayon, habang papalayo sa Maynila at patu-ngong Lucena ay pamura nang pamura. Sa pakiwari niya, mata­las na negosyante ang may-ari ng “generic station”; kundi naman, ito ay isang makabayan at maka­taong nilalang na nakatulong nang husto sa mga naghi­hirap na mama­mayan.

Ano’t ano man, ani Dr. Limjoco, kinukumpirma ng pres­­yuhan sa Lucena at kapaligiran na kaya pang iba-ba ang presyo ng gasolina kaysa ginagawa ng mga oil companies. Kaya, tama raw ang kolum ko nu’ng    Sept. 9 kung saan nilahad ko ang formula ng kaklaseng si Tom Rueda sa pagkuwenta ng tamang pump price: Presyo ng bariles ng krudo X presyo ng piso sa dolyar   X .009 = presyo kada litro.

Pero mas mababa ang presyo sa pagpasa ng oil companies sa gas stations. Siyempre, kailangan ng station owners kumita. At kada­lasan ay 3 percent ang margin sa fuel. Dina­dag­dagan nila ang kita sa pamamagitan ng pag­benta ng gasul, pag­kain at magasin.

Sa palagay ko may nadis­kubreng pandag­dag na pagkakakitaan ang ma­bait na station owner sa Lucena.

* * *

Lumiham sa jariusbondoc@ workmail.com

BIG THREE

DR. LIMJOCO

DR. LOUIS LIMJOCO

LUCENA

LUCENA CITY

MAYNILA

PERO

PRESYO

SAN PABLO CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with