^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Trabaho para sa mahihirap

-

SA mga State of the Nation Address (SONA) ni President Arroyo ay lagi niyang nababanggit   ang paglikha nang maraming trabaho para sa mga Pilipino. Milyong trabaho aniya ang kanyang iki- create sa loob ng anim na taon. Mula nang mag-SONA noong 2001, ang paglikha na ng trabaho ang kan­yang binabanggit. Sa huli niyang SONA noong July, may nabanggit pa rin siyang trabaho para sa mga Pilipino.

Pero sa kabila ng aniya’y paglikha nang mara­ming trabaho, nakapagtataka namang marami pa ring Pinoy ang nakasadlak sa kahirapan at walang trabaho. Sa kawalan ng trabaho ay walang maihan­dang pagkain sa hapag. Hinahanap ngayon nang nakararaming Pilipino ang mga trabahong sinasabi ni Mrs. Arroyo pero mahirap makita. At sa kawalan nang makitang trabaho sa bansa, marami ang nag­babakasakaling mangibang bansa at magpaalila. Araw-araw libong Pinoys ang umaalis para magtra­baho sa Middle East. Maraming Pinay domestic helpers ang nagpapakasakit mapalayo sa pamilya para lamang kumita. Marami sa kanila ang nasa Hong Kong, Singapore, Kuwait, Saudi at Italy. Ilan sa kanila ang dumaranas ng pang-aabuso at may nakakapatay ng amo para maipagtanggol ang sarili. May nahahatulan ng kamatayan, na ang ilan ay hindi naman magawang sagipin ng gobyerno.

Nakadilat ang katotohanan na hindi natupad ni Mrs. Arroyo ang paglikha nang maraming trabaho. Sa lumipas na mga taon ng kanyang pamumuno, tanging ang mga trabahong pagwawalis sa kalye, pagtatanim ng mga halaman sa sidewalk, pamu­mulot ng basura, ang nagawa niya. Ano ang aasa­han sa ganitong mga trabaho na hindi kayang bu­hayin ang sarili ng ibinibigay na suweldo?

Noong Huwebes, isang pangako na naman ang binitiwan ni Mrs. Arroyo at ito ay ang paglikha ng emergency work programs para sa mga mahihirap na kababayan. Kabilang din sa kanyang ipinangako ang pagbibigay ng suporta sa mga livelihood programs para naman sa mga nasa middle class. Ito raw ay para matulungang makaahon sa nangyaya­ring global financial crisis. Sa pamamagitan nito magkakaroon daw ng mga trabaho sa rehiyon.

Inatasan na ng Presidente ang kanyang Cabinet na iimplement ang bagong programa sa mahihirap.

Sana ay totoo na ito at hindi panaginip lamang.

HONG KONG

MARAMING PINAY

MIDDLE EAST

MRS. ARROYO

NOONG HUWEBES

PARA

PILIPINO

SHY

TRABAHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with