ISANG independent laboratory na kusang nagsuri ng 14 na produktong galing China, ay naglabas na ng kanilang resulta. At walo sa mga produktong iyan ay may melamine. Kasama rito ang kilalang luncheon meat.
Wala raw awtoridad na ilabas ng laboratoryo ang kanilang mga resulta, kaya ibinigay na nila sa BFAD ang mga resulta. Pero sino ba naman ang hindi nakaaalam ng luncheon meat na iyan. Sobrang sikat, na gina ya pa nga ng isang malaking kompanya ang recipe at naglabas ng kanilang bersiyon ng popular na de lata.
Kasama rin sa mga produkto ang isang coffee creamer na ginagamit ng maraming kainan at sikat na kape han! Kaya malamang, para sa mga mahihilig bumili ng mga branded na kape, marami na kayong nainom na mela mine! Pati tsokolate at kendi, meron din! Basta galing China!
Lumalabas na hindi lang mga produktong gatas ang dapat suriin para malaman kung may melamine. Basta hayop na maaaring pinakain ng pagkaing may melamine na, maaaring positibo para sa nasabing kemikal. Lalabas niyan baka halos lahat na ng pagkain, puwera na lang ang mga isda, ay may bahid ng melamine.
Napakawalanghiya talaga ng mga negosyanteng taga-China na gumawa nito! Wala talagang pakialam kung sino ang masaktan, basta kumita lang. At parang sila pa ang matapang kapag hinarap mo at ipinakita ang problema! Ano na ang sinasabi ng gobyerno nila ngayon? Lumalabas pa na may mga nakaaalam na ng problema ng masamang gatas, bago pa magsimula ang Beijing Olympics. Pero pinatahimik lang ng ilang awtoridad ang balita habang nagaganap ang Olympics, nang hindi masira ang imahe ng China sa mundo. Hello?
Sirang-sira na ang imahe ng China, ang bansang puro peke, masamang kalidad ng gamit, at lason na pagkain! Iyan ang imahe ng China na gusto nilang takpan! Ayoko sanang sabihin na lahat ng mamamayan nila ay ganyan mag-isip, pero sigurado ako na ang mga ina ng mga batang nagkasakit at namatay ay hindi ganun ang pag-iisip. Talagang pera lang ang puno’t dulo nito. Naturuan na kasing maging kapitalista, kaya ayan, gustong yumaman kaagad kahit sa masasamang pamamaraan.
Ang masama pa, parang tanggap ng gobyerno ang ganitong kaugalian. Gusto rin kasi ng China na magpasi kat sa mundo. Kaya ganun ka-grande ang Beijing Olympics, pero may kuwento rin diyan. Kailan lang, nakapagpadala na rin ang China ng mga astronaut sa outer space, at nakapag-spacewalk na rin. At siyempre gustong maging isang kapangyarihan sa larangan ng ekonomiya, dahil napakalaking bansa nito. Pero ano na ang gagawin ng gobyerno, kung natunaw na ang tiwala ng buong mundo sa anumang produktong galing sa China?