Totoo nga ba o "moro-moro?"

PAG-HATSING ng Amerika, buong mundo sinisipon. Kaya ngayong sinasabing humihilahod ang US eco­ nomy, lahat ng bansa sa mundo ay nakadarama ng epekto nito. Pero ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin: “Totoo kaya ang economic crisis sa Amerika o moro-moro?”

“Pambihira kung maglaro ang imahinasyon mo Mang Gustin. Bakit mo nasabi iyan,” ang kagyat kong tanong.

Heto ang sagot niya. Nanganganib daw ang United States na magkaroon ng kauna-unahang “Negrong” Presidente sa katauhan ni Democrat Barrack Obama.     Tila napag-iiwan daw ng milya-milya ang puting si John McCain na presidential bet ng Republican. Marami pa        rin daw puting Kano ang hindi handang tanggapin ang isang itim na Pangulo.

Kaya ganito naglaro ang mayamang imahinasyon ng barbero ko: Pinulong daw ni Presidente George W. Bush ang mga negosyante sa Amerika lalo na yung mga major stockholders sa Lehman Brothers. Ani Bush (daw, hi-hi-hi) “Gentlemen, we have a problem. America is in great danger of having a Negro President. We need to stop this impending possibility.”

“What shall we do?” ang tanong daw ng mga negos­yanteng puti. At heto ang klasikong tugon ni Bush: “We shall create a scenario. Temporarily pull out some of your investments to put the whole American economy on the brink. Then my bet McCain will go to the fore to save the economy. We shall ask Congress to enact a multi-billion dollar bailout program for the ailing businesses of our   nation. But that’s only for show. Then, you put back your investments.”

Aba, oo nga naman! Bida si McCain kapag nagkataon as the “savior of US economy and that of the world.

Balitang-balita na tumaas ang accep-tance rating ni McCain at nalamangan na si Oba­ma matapos idek­lara na isinasaisantabi muna niya ang panga­ngam­panya para asi­kasuhin ang mas im­portan­teng problema — ang nanghi­hinang eko­no­miya ng US of A.

Ano sa tingin n’yo? Pasenysa na kayo. Wala lang akong ma­isulat eh.

Babooshki!

Show comments