Maging matalinong mamumuhunan
SIGURO ay maninibago kayo sa tema ng aking kolum ngayon dahil sa may pagkakaiba ito sa nakasanayan ninyong action pack BITAG. Totoo nga pala ang sinasabi ng mga malalaking negosyante ng bansa na “when the America sneezed, the Philippines will catch the colds!” Ganito ang mistulang nangyayari ngayon habang patuloy na nakikiramdam ang mga negosyante sa kahihinatnan ng Wall Street na nagsisilbing batayan ng takbo ng kalakalan sa mundo.
Nababahala ang mga business luminaries na posibleng kahihinatnan ng mga Pilipinong negosyante.
Ang balitang pagkalugi ng Lehman Brothers, (investment giant sa US) ang nagbigay pangamba sa mga local na negosyante para mag-alinlangan na sa pamumuhunan sa mga insurance policies at mga local banks.
Marami na rin ang nag-aalinlangan kung gaano nga ba nakasisiguro na ligtas ang mga salaping ipinupuhunan sa mga financial institution? Tulad naman ng inaasahan, pinakakalma ng mga economic managers, maging ng gobernor ng Bangko Sentral at ng mga executives ng mga insurance companies ang publiko. Naging maagap ang Central Bank sa pagbibigay ng mga advisories sa mga financial institutions.
At kung ang mga naunang hakbang ng mga ekonomista ay hindi gaanong drastiko, iba na ngayon ang ihip ng hangin dahil nga sa biglang pagka-bangkarote ng “Lehman Brothers”. Ito ang nagpapakaba sa mga local na mamumuhunan at negosyante. Iisa lang naman ang katotohanan sa likod ng mga pangyayaring ito. Talagang nasa krisis ngayon ang kalagayan ng mundo. Seryosong bagay na dapat pagtuunang-pansin ng pamahalaan at maging ng simpleng negosyante at mamumuhunan. Gayunman, naniniwala naman ako na makakayanan pa rin natin ang krisis na ito tulad nang ginawa nating pagtawid noong 1997 financial crisis.
Nagpahayag na ang Central Bank Governor na “malusog” pa rin naman ang mga banko at malakas ang ginawa nitong mga reporma para matugunan ang mga krisis tulad nito.Maging ang mga insurance companies ay patuloy sa kanilang mga reporma nang makaiwas sa posibleng krisis.
Ang bagay na ito ang kahanga-hanga naman sa karakter nating mga Pilipino. We are not a bunch of losers na nagmumukmok na lang pag nadedehado sa labanan sa halip, lumalaban tayo.
Ngayon pa lang na nagbabala na ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga lokal na banko na maging matalino na sa paglalagakan ng kanilang pamumuhunan. Ito’y upang matiyak na may Return Of Investment (ROI) sa mga negosyong pinapasok ng mga ito.
Tama lang naman na nasa excellent choice sila sa mga paglalagakan ng puhunan nang hindi nagsisisi sa dakong huli. Adios!
- Latest
- Trending