^

PSN Opinyon

Bogus na money changer, protektado ng mga lespu sa Maynila!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SINALAKAY kahapon ng gabi ng National Bureau of Investigation-Anti Fraud kasama ang BITAG Team ang isang inirereklamong bogus na money changer sa Ermita, Maynila.

Sa bisa ng search warrant, naisagawa ng NBI ang paglusob sa JEWEL Money changer, isang fly-by-night at hindi rehistrado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Habang isinusulat ko ang column na ‘to, hinahanap pa rin ng mga operatiba ang nawawalang marked money na ginamit ng mga NBI bilang patibong sa nasabing ope­rasyon.

Isang linggong minamanmanan ng aming grupo kasama ang NBI-Anti-Fraud, maging ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng BSP ang inirereklamong hinayupak na money changer. 

Pinagplanuhan ang operasyong ito noong isang linggo sa mismong tanggapan ng AMLC-BSP. Bunsod ito sa reklamong inilapit sa BITAG ng dalawang biktima ng     bogus na JEWEL money changer.

Alam ng BITAG, NBI-Anti-Fraud at AMLC-BSP na may “proteksiyon” ang nasabing money changer sa presinto ng Manila Police District (MPD) na nakakasakop dito.

Malayo pa ang Pasko, sinimulan na ng NBI at BITAG kasama ang AMLC na magsampol sa mga bogus money changer na unang sinampulan rin umano ng moro-morong operasyon noong nakaraang taon naman ng MPD.

Babala ng BITAG sa mga nagpapapalit ng kanilang    mga perang padala ng kanilang mga mahal sa buhay  na nasa abroad, mag-ingat, mag-ingat!

Kwidaw sa mga mo­ ney changer sa tabi-tabi partikular sa Ermita, Ma­bini at Malate sa Maynila na nasasakupan ng MPD Station 5 at Station 9.

Iwasan ang mga mo­-ney changer na may mga tauhang nag-aalok sa labas at dinadala kayo sa mga gilid-gilid na money changer. Sila ‘yung may mataas na exchange rate kuno.

Sila rin ‘yung mga sala­mangkero sa bilis ng ka­ may, hindi mo nakikita ang kanilang pandaraya.

Maliban dito, may ha­long drama ang mga taran­tadong ito na ikaw ‘yung suwetik, walang pakun­da­ ngan ang kanilang ka­wa­langhiyaan dahil alam ito ng mga pulis na rume­res­ponde kapag nagka­gulo na.

Abangan sa BITAG Live sa UNTV tuwing alas 9-10:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes at tuwing Sabado sa BITAG, alas-9 ng gabi sa IBC 13.

ANTI FRAUD

ANTI-FRAUD

ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

BANGKO SENTRAL

BITAG

CHANGER

MONEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with