Isang parangal kay Betty Go-Belmonte

MALAKI ang impluwensiya ni Betty Go-Belmonte sa buhay ng mga mahihirap. Si Mrs. Belmonte ang yu-        maong founder ng Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON.

Binasa ko ang mga artikulo ni Mrs. Belmonte sa     Philippine STAR, ang “Pebbles,” mula 1988 hanggang 1994. Kakaiba ang kabaitan niya.

Ginamit ni Mrs. Belmonte ang kanyang diyaryo para makalikom ng pera para sa mahihirap. Halos linggu-linggo ay may tinutulungan siyang pasyente.

Katulad ng isang batang may rheumatic heart disease na kailangan ng balbula sa puso, si Mrs. Belmonte ang naghanap ng pondo para sa bata. May isa naman na nangangailangan ng pang-gastos sa operasyon, siya rin ang tumugon. Parang milagro na dumarating ang pera sa mga pasyente.

Kahit may nagsasabi na hindi bagay ang kanyang sinusulat sa peryodiko, tinutuloy pa rin niya ito. “Kawawa naman ang mga pasyenteng ito,” ani niya. Ang mga sikat niyang donor ay sina Presidente Cory Aquino at First Lady Ming Ramos.

Noong nagkasakit si Mrs. Belmonte noong 1993 ay halos araw-araw na ang pagsusulat niya ng mga apila ng pasyente. At nang yumao siya sa batang edad na 60, ipinagpatuloy ng kanyang anak, si Mr. Miguel Belmonte, ang mga kawanggawa    ng STAR’s Operation    Da­mayan.

Kung mabait at mada­salin ang magulang, ga­noon din ang namamana ng anak. Mula 1995, pina­lawak ni Miguel Belmonte ang mga proyekto ng ina. Ang Operation Dama­yan ay (1) nagbibigay ng tulong sa mga batang may sakit, (2) nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga may edad, (3) nagsasagawa ng medical mission, (4) tumu­tulong sa mga biktima ng bagyo at kalamidad, at (5) nag-aalaga ng ating kapa­ligiran.

Sa katunayan, milyun-milyong piso ang ginagas­tos ng STAR bawat taon para lang makatulong sa mahihirap. Dahil dito, na­nalo si Mr. Miguel Bel­monte ng Ayala Young Leaders Award dahil sa kanyang pagkakawang-gawa.

Tuloy ang inspirasyon   ni Betty Go-Belmonte

Ngayong nakalipas na dalawang buwan, may apat na apila ng pasyente ang inilathala ng Philippine STAR. Ito’y sina (1) Eliza Aga­pito, 9 taon na naka­ku-ha ng pondo para sa kan­yang Leukemia; (2) Tess Pan­taleon, 53 taon na nabig­yan ng pacemaker na nag­­kakahalaga ng P200,000; (3) Gian De Guzman, 13 taon na may sakit sa dugo na nakalikom ng pera pang-medikal, at (4) Reygie Begonia, 6 taon na may butas sa puso na nakakuha ng P65,000 para sa operasyon sa puso.

Dahil sa dami ng tinutu­lu­­ngan ng Philippine STAR at Pilipino STAR NGA­YON, hindi kataka-taka na nangu­nguna ito sa larangan ng mambabasa at advertisers.

Noong nabubuhay pa siya, tinanong si Betty    Go-Belmonte kung bakit siya pursigidong tumulong sa mahihirap.

Simple lang ang tugon niya, “Itong lahat ay para sa Kanya.” “God First” ang layunin ng Philippine STAR at Pilipino Star NGAYON.

* * *

(E-mail: drwillieong@gmail.com)

Show comments